^

PSN Showbiz

Sikat na personalidad, minalas ang buhay sa dyowa

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Kung may karelasyong magaan dalhin ay meron ding mabigat. Sa masuwerteng karelasyon nagaganap ang magagandang oportunidad, ang pagdating ng mga biyayang hindi inaasahan, magaan ang buhay.

Sa sinasabi namang mabigat dalhing karelasyon dumarating ang mga indulto, bumabaligtad ang bangka ng kabuhayan, puro negatibong pangyayari ang dumarating nang hindi rin inaasahan.

Ganu’n ang tingin ng marami sa kasalukyang relasyon ng isang sikat na beking personalidad. Hindi sila magkatugma ng boyfriend niyang male personality dahil mula nang dumating ito sa kanyang buhay ay nagprusisyon na ang mga hindi kagandahang pangyayari sa kanyang karera.

Obserbasyon ng isang source, “Ganu’n talaga. Ang unang makakapansin nu’n, e, ang mga taong nakapaligid sa kanya. Pilit niyang pinaglalabanan ‘yun dahil maligaya siya.

“Hindi niya paniniwalaang jinx sa buhay niya ‘yung male personality, kasi nga, e, punumpuno siya ng pagmamahal. Busog na busog siya,” unang sultada ng aming impormante.

Pero sa panahon ng male personality naganap ang mga hindi inaasahan ng beking personalidad. Puwedeng ipinagtatanggol niya ang lalaki pero sa kanyang pag-iisa ay nandu’n ang reyalisasyon na mukhang totoo ngang mabigat itong dalhing karelasyon.

Patuloy ng aming source, “Sa panahon nila ng male personality ang pagkawala ng dating hawak niyang position sa labanan ng mga pelikula. Dating number one siya, pero hindi na, may tumalo na sa malakas niyang hatak dati sa takilya.

“Maraming shows niya sa iba-ibang bansa ang kanselado. Hindi na kinakaya ng mga producers ang talent fee niya. Kung dati, e, wala siyang pahinga sa mga out of the country concerts, wala na ‘yun.

“At ang pinakamatindi, nasapul din ng relasyon nila ng male personality ang pinakamatinding pagbaligtad ng career niya. Puwedeng nagkataon lang, pero sa panahon nila nangyari ‘yun!

“As in, tinapos na ang TV career niya dahil sa nangyari sa network nila. Again, puwedeng nagkataon lang, pero kung iisipin, naipong lahat ang mga negang pangyayari sa buhay niya habang magkarelasyon sila ng male personality.

“Hindi maganda. ‘Yun ‘yown!” napapailing na pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Stand up comedians, naghahanap ng ibang pagkakakitaan

Napakatindi talaga ng negatibong epektong ibinigay ng COVID-19 sa buong mundo. Sunud-sunod ang pagsasarado ng mga negosyo dito sa ating bansa.

Pati ang mga kaibigan naming may mahabang pisi ay napilitan na ring magsara kesa sa mabaon sila sa pagkakautang na wala nang inaasahang balik ng puhunan.

Dahil sa maraming protocol na kailangang sundin ay baligtad ang mga negosyo, lalo na ang mga restaurant, bilang na bilang lang kasi ang puwedeng pumasok na kulang pang pambayad ng kuryente ang kanilang kinikita.

Pinakahuling puwedeng payagang magbukas ang mga comedy bars. Hindi pa puwede, tabi-tabi ang manonood, kokontrahin nila ang social distancing.

Habang sarado ang establisimyento ay tuloy ang bayad nila sa rental ng lugar, wala na ngang pumapasok sa kanilang kaban ay labas pa rin sila nang labas ng pambayad pati sa kuryenteng wala namang pakinabang, kaya ano nga ba ang pinakapraktikal na solusyon sa ganu’n kundi ang magsarado na lang.

Masakit sa loob na isinarado na nina Allan K at Lito Alejandria ang Zirkoh at Klownz. Para silang nagpalaki ng anak na inalagaan nila nang maraming taon pero kailangan nilang tanggapin ang pagkawala na sa kanila ngayon.

Hindi lang laway ang nilulunok, ang pride din, kapag talagang kailangan nang magdesisyon. Baldado ang kanilang negosyo nu’ng ECQ, nang ideklara naman sa ilalim ng GCQ ang NCR ay sila pa rin ang pinakahuli sa listahan na puwedeng magbukas.

Parang namatayan ngayon sina Allan at Lito, pati ang mahuhusay nilang stand-up comedian, kasama na ang aming partner sa Cristy Ferminute na si Romel Chika.

Biyaya para sa kanya ang aming programa, nag-o-online selling na rin siya kahit wala pang pandemya, marunong sa buhay si Romel.

Nalungkot kami sa sinabi ni Super Tekla dahil kailangang operahan ang kanyang anak na walang butas sa puwet, “Kung tulad nang dati lang sana ito, isang sampa ko lang sa entablado, tapos na ang problema.”

Masuwerte rin si Donita Nose na kinuha ni Willie Revillame sa Tutok To Win, ekstrang kita ‘yun para sa kanya, pero napakaraming stand-up comedian ngayon ang nakatengga. Wala pa namang mga shows sa probinsiya, pati selebrasyon ng fiesta ay ipinagbabawal pa, kaya walang kasiguruhan ang kanilang buhay ngayon.

Kung sana’y kinasihan sila ng nakapagandang suwerte na tulad ni Vice Ganda na ilang pandemya man ang maganap ay siguradong kakain nang maraming beses sa maghapon hanggang sa gusto niya.

vuukle comment

MALE PERSONALITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with