^

PSN Showbiz

Male personality na dating pinag-aagawan ang katawan, bagsak presyo para magkadatung

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Totoong napakahirap na kalaban ang gutom. Walang batas ang mga bitukang gutom. Kahit sa ibang bansa ay uso ang nakawan dahil sa kahirapan.

At dumaranas ng kagutuman ngayon ang ating bansa dahil sa pandemya. Walang trabaho, walang pumapasok sa kaban, puro palabas ang pera.

Laganap din ang ganu’ng sitwasyon sa mga artista, lalo na sa hindi nakapaghanda sa pagsulpot ng coronavirus, taghirap talaga sila ngayon.

Kuwento ng isang source, “Panay na panay ang pagri-ring ng cellphone ngayon ng mga kilalang Boogie Wonderland. Ang daming tumatawag sa kanila para maghanap ng mapagkakaperahan ang mga personalities na may matinding pangangailangan.

“Kaso, wala naman silang magawa, gusto rin nilang kumita, siyempre, pero takot ang mga dati nilang clients dahil sa coronavirus! Ayaw nilang isugal ang buhay nila!

“’Yung isang male personality na pinag-aagawan nu’n ng mga clients nila, e, bagsak-presyo na ngayon. Kung dati, e, napakalaki ng take home pay niya sa sasandaling panahon lang, nagbawas na siya nang malaki, kumita lang siya!

“Paano nga, wala siyang trabaho, tigil ang taping at shooting ngayon, kahit nga ang talent fee ng mga artista ngayon, e, kinaltasan na, di ba?

“Hindi siya maihanap ng client, kahit pa sure namang wala siyang sakit na nakakahawa, dahil matindi ang takot ng mga kliyenteng pagpapasahan sa kanya,” kuwento pa ng aming source.

Ayon sa aming source at walang garantiya ang kaguwapuhan at bruskong pangangatawan ngayon dahil sa sobrang takot ng mga tao sa coronavirus.

Dagdag na impormasyon pa ng aming impormante, “’Yun ang mahirap. Nu’ng malaki ang kinikita niya sa pag-arte at pagsa-sideline, e, hindi siya nag-ipon.

“Kung anu-anong granatsa sa buhay ang inatupag niya. Magarang sasakyan, imported stuff at kung anu-ano pang branded na kagamitan. Nganga siya ngayon, paano na siya?

“Kinabog ng pandemya ang bruskong-brusko niyang body!” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Willie tinangging may kinalaman sa bagong show ni Kris

Tahasan nang sinabi ni Willie Revillame na wala siyang koneksiyon sa unang napabalita na siya ang magi­ging producer ni Kris Aquino sa pagbabalik-telebisyon nito.

Pahayag ni Willie, “Wala akong alam tungkol du’n. Wala kaming pinag-uusapan tungkol sa show na gagawin niya. Hindi naman kami regular na nagkakausap ni Kris, e!”

Galing na sa Reliance network ang staff ni Kris, inikot ng mga ito ang mga studios ng TV5, dahil magiging blocktimer pala ang kanyang programa na ibig sabihi’y bibili sila ng oras sa istasyon.

“Nagulat nga ako nu’ng makarating sa akin ang balita na ako raw ang producer ni Kris. Walang katotohanan ‘yun. Nakatutok lang ako sa Tutok To Win,” paglilinaw pa ni Willie Revillame.

Cristy Ferminute magpapasaya na uli!

Salve Asis, di ba, si Japs Gersin ang production designer natin sa Take It, Per Minute... Me Ganu’n tuwing Martes nang tanghali? Si Japs ang pumipili ng mga painting na magiging background namin nina Manay Lolit Solis at Mr. Fu.

Heto na. May bago siyang trabaho ngayon, para na siyang si Randolph natin sa TIPMMG, dahil siya ang namamahala sa mga aspetong technical sa pagbabalik namin sa Cristy Ferminute ngayong alas singko na nang hapon.

Pareho kami ni Manay Lolit na walang alam sa Zoom-Zoom na ‘yan, inosente kami sa paggamit ng mga gadgets, kaya si Japs Gersin ang technical director namin ngayon sa CFM.

Alas-singko hanggang alas-sais nang hapon muna ang CFM, work from home rin muna kami ni Romel Chika, tulad nang dati ay mapapanood pa rin kami sa FB Live at sa OnePH at siyempre, mapapakinggan sa 92.3 News FM.

Magbabago na uli ang ikot ng aming mundo pagkatapos nang mahigit na tatlong buwan ng pagiging “house arrest” lang. May CFM na uli kami mula Lunes hanggang Biyernes, lalabas naman kami ng bahay tuwing Martes, para naman sa Take It, Per Minute... Me Ganu’n.

Unti-unti nang nagiging masigla uli ang mundo ng showbiz na parang namatayan sa sobrang kalungkutan nang dahil sa lockdown.

Masasaya na uli ang mga kababayan nating OFW dahil kahit paano, sa pamamagitan ng TIPMMG at CFM, ay sila mismo ang nagsasabing napapawi ang kanilang lungkot at pag-aalala sa kanilang mga mahal sa buhay dito sa Pilipinas.

Sa lahat-lahat po ng mga hindi bumibitiw sa Take It, Per Minute... Me Ganu’n at sa Cristy Ferminute, taos-pusong pasasalamat ang itinatawid namin sa inyo, mabuhay kayong lahat at ang ating pagsasama-sama.

Kitakits!

vuukle comment

UBOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with