^

PSN Showbiz

Supporting cast ng Love Thy… laglag sa lock-in

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Supporting cast ng Love Thy� laglag sa lock-in

Laglag na pala ang majority sa supporting cast ng Love Thy Woman sa pag-uumpisa ng lock-in taping next week.

Ang chika, nagpatawag ng Zoom meeting ang production ng Kapamilya teleserye at in all fairness, na-excite daw lahat ng kasali sa teleserye na pinagbibidahan ni Kim Chiu, ‘yun pala bad news ang update.

Kaya may mga member daw ng cast na naiyak after the zoom meeting.

Eh ang mga supporting cast pa naman ang maliliit lang ang talent fee at talagang doon umaasa.

Tipid-tipid daw kasi talaga ang production bukod pa nga sa talent fee reduction ng mga artista.

Pero talagang ganun. Buti nga ang Kapamilya Channel at nagti-taping na uli.

Ang GMA kaya kailan mag-uumpisa ang taping ng mga teleserye?

Justifiable daw ang talent fee reduction sa Kapamilya Channel dahil bukod sa pandemic, hindi sila nakakapag-operate sa free TV. Eh ang GMA so far wala naman daw problema at tuloy ang operations nila at mga replay ang napapanood na shows kaya baka nga nakatipid pa raw ang GMA pero, nagsuweldo sila sa kanilang employees during lockdown. Kaya hoping ang iba na baka naman mas maliit diumano ang bawas ng talent fee sa Kapuso Network.

Grabe talagang ramdam sa showbiz ang epekto ng coronavirus pandemic.

At ang bottomline, maraming mawawalan ng trabaho.

Pets bawal na rin sa taping/shooting

Speaking of taping nga, ngayon daw bukod sa glam team and personal assistants, bawal na rin ang pets sa set.

Yup, as in hindi na raw puwede ang mga alagang aso at pusa ng mga artista sa mga taping and shooting.

Noon kasi puwedeng-puwede ang mga aso at pusa, na may kasama pang yaya na bitbit ng mga artista o mga director.

Lock-in ang set up ng mga taping ngayon na pati diumano director ay hindi puwedeng lumapit sa mga eksenang kinukunan.

 

vuukle comment

KAPAMILYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with