^

PSN Showbiz

Cristine, takot pa ring lumabas ng bahay

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Cristine, takot pa ring lumabas ng bahay
Cristine Reyes

Alam mo, Ateng Salve, ang isa sa new normal ngayon sa showbiz dahil sa COVID-19 pandemic ay ‘yung mas madali mong makontak ang ilang mga celebrity sa pamamagitan ng social media accounts nila.

Kahapon, naka-chat ko sa pamamagitan ng Facebook Messenger si Cristine Reyes.

Actually, kahit pasaway ang image sa iba ni Cristine, masasabi ko na like her ate, si Ara Mina, maganda rin ang PR niya sa mga kakila­lang entertainment press.

Noon pang panahon ng Starstruck season one ng GMA 7 ay katsikahan ko na itong si AA (paboritong tawag sa kanya).

Anyway, kinumusta ko nga ang aktres na kaagad namang sumagot at nagsabing, “I’m good, ikaw, kumusta ka naman?”

Dahil marami na rin mga celebrity ang lumalabas ngayong GCQ (general community quarantine), tinanong ko na rin si Cristine kung lumalabas na rin ba siya ng bahay?

“Not really. House lang ako,” sabi niya.

Well, isa nga si Cristine sa mga celebrity na takot pa ring lumabas ng bahay dahil wala pa ngang vaccine sa virus!

Regal abala sa mga permit para makapag-shooting

Naka-chat ko rin si Direk Chito Roño.

Kinumusta ko siya at nag-segue na rin ako kung natuloy na ba ang pagre-resume nila ng shooting ng pelikulang Mga Kaibigan ni Mama Susan na co-production venture ng Regal Entertainment, Inc. at Star Cine­ma, Inc.

Dapat kasi ay noong June 20 ang resume nila ayon sa producer nilang si Roselle Monteverde.

“Hindi pa. July na,” sabi ni Direk Chito.

Tinawagan ko naman si Roselle sa pamamagitan ng Viber app.

So, bakit hindi sila natuloy ng pagre-resume ng shooting ng pelikulang pinagbibidahan ni Joshua Garcia? “Marami pa kasing permits na kailangang asikasuhin. Siyem­pre, may bagong protocols ngayon.

“’Yung ibang LGU (local government unit) kasi, kailan lang talaga nag-resume ng work, so, inaayos pa namin ang permits.

“Sa July 11 na kami magla-lock in at July 12 ang start ng shooting ng phase one namin sa Pampanga,” kuwento ni Roselle.

Bago raw ang lock-in ng mga artista, mauuna na ang production design team dahil gagawin pa ang set sa Pampanga.

“Bale 7thshooting day namin ‘yon and after ng phase one ng lock-in namin, pahinga at phase two naman sa Bataan.

“Na-delay lang ng konti dahil nga sa protocols na talagang kailangang sundin!” kuwento pa niya.

Ang nanay naman ni Roselle, si Mother Lily Monteverde, behaved lang daw at nasa bahay lang.

“Behaved si Mommy. Hindi siya nagpupumi­lit na lumabas ng bahay. Alam niyang bawal at takot din naman siya,” sabi pa ni Roselle.

At least alam ni Mother Lily na kailangang stay at home pa rin siya kahit nga GCQ na, huh!

Hindi pasaway si Mother Lily katulad ng iba, ‘noh?!

‘Yun na!

vuukle comment

CRISTINE REYES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with