^

PSN Showbiz

Raymond ayaw munang ma-stress sa pagta-travel

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Raymond ayaw munang ma-stress sa pagta-travel
Raymond

Nag-post ng video si Raymond Gutierrez na kasama niya ang dalawang kaibigan sa isang restaurant. “Finally with friend,” ang caption ni Raymond sa kanyang Instagram story.

Hmph! Lumalabas na ba uli si Raymond dahil GCQ (general community quarantine) na? “Here lang sa Rockwell. Just across the street. Hindi naman ako lumayo. Hahaha!” sabi niya.

Actually, twice raw siya nakapunta ng medyo malayo sa kanyang condominium. Una, dumalaw siya sa bahay nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati para makita na rin ang nephews niyang sina Zion at Kai.

Since nasa Alabang na raw siya, namili rin siya ng ilang mga gamit sa bahay.

Then noong Father’s Day, nagpunta rin siya sa White Plains house nila para dalawin ang parents niyang sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama.

Special day ‘yon, kaya gusto rin naman niyang maka-bonding ang kanyang pamilya lalo na ang tatay niya.

Pero, that’s it! “Everything naman kasi, like meeting, puro online na lang. May events din na pinaplano, pero online rin,” sabi ni Raymond.

So, meron na rin ba siyang PPE (personal protective equipment) clothes na uso ngayon dahil sa COVID-19 pandemic?

Ang pagkakaroon kasi ng PPE ang isa sa new normal na ngayon. “Wala. Just mask!” sabi ni Raymond.

Dahil nasa condominium unit lang niya si Raymond, marami siyang naisip na gawin, pero siyempre, secret pa ang tungkol sa mga ‘yon. ‘Yung pag-a-abroad naman, mukhang wala pa siyang balak dahil, “Baka ma-stress lang ako!”

Naku, Ateng Salve, mukhang pareho kayo ni Raymond, pati na ng ibang mga celebrity na hindi muna iniisip ang pagta-travel abroad.

Actually, ang ate ni Raymond, si Ruffa Gutierrez, ang nagsabing kung makakapag-travel daw siya ay malamang na around the Philippines na lang muna.

Marami naman talagang magagandang lugar sa ating bansa na puwedeng bisitahin, kaya malamang dahil nga sa virus ay mas lalakas ang iba’t ibang tourist destination sa ating bansa at mga kapwa Pinoy natin ang magiging parokyano!

Nice!

Sen. Manny at Mayor Chavit mamimigay ng datung

Ang Pambansang Kamao na si Senator Manny Pacquiao at si Narvacan, Ilocos Sur Mayor Chavit Singson ang guests mamaya ni Chemist Pinky Tobiano sa Essential Cleaning Tips mamayang 7:00p.m. sa Facebook page ng Cornerstone Entertainment.

Total of P100,000 ang cash prizes na mapapanalunan mamaya ng mga masuwerteng manonood no’n.

Pero alam mo, Ateng Salve, knowing Manny and Manong Chavit, pareho silang sobrang generous, kaya feeling ko, lalaki pa ang P100,000 na ‘yon, huh!

Teka! Makatutok nga rin sa special belated Father’s Day episode na ‘yon ng online show ni Pinky!

Hahaha! ‘Yun na!

vuukle comment

RAYMOND GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with