^

PSN Showbiz

Boyet, mas naging mabait sa kabila ng mga pagsubok

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Boyet, mas naging mabait sa kabila ng mga pagsubok
Christopher de Leon

Kabi-kabilang pagsubok ang naranasan ni Christopher de Leon. Isa ang beteranong aktor sa mga nagkaroon ng covid-19 at nalampasan niya ito. Kamakailan ay pumanaw naman ang ina ni Christopher na si Lilia Dizon.

Sa kabila ng mga nangyari ay nananatiling matatag at positibo ang pananaw ni Boyet sa buhay. “I’ll start with my mother. Cancer is deadlier than what we are fearing right now. What we are dealing with now is fear more than anything else. It shouldn’t be, of course this too will pass. I am more relying on ano ba tayo? What did this teach us in trying times? Are we going to be a better person after this? ‘Yon ang lagi kong kino-contemplate sa sarili ko. I should be a better person. Lately, they’ve been saying I’ve been more patient, more loving. That’s about it. There’s nothing to fear but fear itself. Malalampasan natin lahat ito,” paglalahad ni Boyet.

Nakatakdang bumalik na sa trabaho ang aktor sa susunod na linggo. Magte-taping nang muli ang teleseryeng Love Thy Woman kung saan kabilang si Boyet.

Sa Brunei nag-quarantine Nikko, nae-enjoy ang pagiging ama

Bago pa ipatupad ang community quarantine sa buong Luzon ay dali-daling nilisan ni Nikko Natividad ang Pilipinas. Kasama ngayong nakabase ng aktor ang kanyang mag-ina sa Brunei. “Nag-start ‘yung lockdown sa Pilipinas, March 15. Nag-usap lang kami (ni Cielo Eusebio, partner ng aktor) ng March 14 ng umaga, nasa Showtime pa ako no’n, Sabado. Sinabihan ko siya na kailangan bago mag-lockdown makaalis tayo ng bansa. Kasi dito sa Brunei, hindi po ramdam ‘yung coronavirus, wala pong lockdown. Nung time no’n sa Pinas, nagkakaubusan pa sa supermarket. Tapos sobrang stress na nangyayari, nakakalungkot. Masaya ako kasi siyempre naiiwas ko ‘yung anak ko. Kasi ang priority ko dito si Aiden,” kwento ni Nikko.

Ayon sa miyembro ng Hashstags ay sobrang nai-enjoy niya ngayon ang bawat sandali na kasama ang kanyang mag-ina. “Love na love ko talaga. Siyempre sa family hindi pwede hindi nag-aaway. Sa bahay hindi puwedeng nasisigawan mo anak mo pero part ‘yon. Kaya sa mga gustong magkaroon ng family, nangyayari po talaga ‘yon. Pero promise, kahit saan kayo nakatira, kahit anong ulam n’yo, kahit anong pinagdaanan n’yo, happy talaga kapag kasama ‘yung family,” pagbabahagi niya.

Para kay Nikko ay naging mabuting ama rin siya sa anak lalo na ngayong wala siyang ginagawang trabaho bilang aktor. “Tingin ko naman naging mabuti, ang mali ko lang po, hindi ako nagigi­sing nang maaga. Ako po ‘yung huling nagigising,” pagtatapos ng Hashtags member. Reports from JCC

vuukle comment

CHRISTOPHER DE LEON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with