^

PSN Showbiz

Korean actors, panay ang experiment sa hitsura kaya nagtatagal ang career

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Korean actors, panay ang experiment sa hitsura kaya nagtatagal ang career
Hyun Bin

Parang mas build up yata si Hyun Bin sa action.

Dalawa ang pinapanood ko ngayon, ang Swindlers at Confidential Mission na parehong action ang role niya.

Nakita ko na ang magic ng Koreans sa mga artista nila, nag-e-experiment sila sa haircut,  styling, at sa make-up. Nagkakaroon ng transformation ang mga star nila through continous experiments sa looks ng mga ito. Like si Hyun Bin, iba ang mukha niya depende sa haircut niya. Iba ang persona niya pag iba ang styling niya. At nagagawa nilang parang hunky at masculine na big action man si Hyun Bin, kaya believable iyong mga fight scene niya.

Kaya pala nagtatagal ang mga star nila dahil hindi stagnant sa isang look lang, iniiba ang buong personality nito. Suwerte ni Hyun Bin ha, maganda ang frame of works niya.

Isa pang talagang kahit ganito ang nangyayari sa business world, stable na stable si Rhea Tan ng Beautederm, Salve. Mukhang tuluy-tuloy ang suporta ng mga client nila sa kanilang mga produkto at balita ngang tulad ni Aileen Go ng Megasoft, na meron ng sariling building sa España, nagpapatayo na rin ng sariling building ang Beautederm para maging showroom at corporate office nila.

Isa pang patunay na number one ngayon sa products si Rhea Tan ay iyon pagnanais ng mga artista na makasali sa kanyang rooster of ambassadors.

Bongga, brand na talaga ang Beau­tederm, byword na ng lahat kaya naman, take a bow Rhea Tan, the floor is yours to conquer, the world is watching you.

Hindi rin puwedeng hindi pasalamatan ang ipinakitang pagmamahal ni Rhea Tan sa showbiz press during the time of pandemic, kaya naman hindi kataka-takang mahal na mahal siya ng mga ito.

Ang isa pa talagang mabait ay si Aileen Go ng Megasoft. Alam niya na very vital ngayon sa mga negosyo ang pagsuporta dito at dahil mahal na mahal niya si Rossel Taberna talagang consistent ang order niya ng cakes at pastries na pinadadala niya sa mga kaibigan niya para maging very active ang Ka Tunying line of pastries and resto.

Ito dapat ang ginagawa natin, suportahan ang mga small business para magpatuloy ang takbo at baka sakali magbalik ang normalcy.

In fairness ang gaganda ng mga cakes na ginagawa ng Ka Tunying, kaya siguro natutuwa si Aileen Go ng MegaSoft na ipamigay sa mga friends. Ang sweet ni Aileen talaga, thank you at missing you and Bu­dingding , grabe.

vuukle comment

HYUN BIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with