^

PSN Showbiz

Ruffa hindi na nagbibilang ng edad ‘pag birthday

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Ruffa hindi na nagbibilang ng edad �pag birthday
Ruffa

Birthday bukas ni Ruffa Gutierrez.

Hindi ko na babanggitin kung ilang taon na si Ruffa. It’s just a number naman.

Sa tuwing magbi-birthday si Ruffa, naaalala ko ‘yung  isang “eksena” kung saan ay nagpi-fill-up siya ng visa application at nalito siya kung ilang taon na ba siya.

Biniro ko si Ruffa na nalilito siya dahil sa kababawas niya ng kanyang age, kaya natawa na lang siya.

Thankful nga pala si Ruffa na magbabalik-taping na siya for Love Thy Woman.

This weekend na siya magtse-check-in sa lugar kung saan mag-i-stay ang cast ng kanilang afternoon Kapamilya Channel series.

Handang-handa na si Ruffa na ma-lock-in sa kanilang taping dahil she’s more than willing to work again.

Anyway, going back to her birthday tomorrow, nakatsikahan ko siya noong Sunday at ikinuwentong padadalhan siya ng Thai food ng kaibigan niyang Los Angeles, California-based na si Ms. Pen de Leon-Manahan.

Um-order na raw ng food si Ms. Pen mula sa Doon Thai restaurant ng concert-producer na si Anna Puno.

Concert producer din sa U.S. si Ms. Pen at naging malapit ito kay Ruffa, kaya for her special day, nag-order na nga ito ng food sa restaurant ni Anna.

Sabi ni Ruffa, sa bahay lang sila ng kanyang mga anak at simple birthday celebration lang ang magaganap dahil may COVID-19 pandemic pa nga.

Happy, happy birthday tomorrow, Ruffa! (Happy birthday Ruffa G. – Salve)

Martin and Pops magkasama sa Father’s Day

Ang dialogue ni Pops Fernandez nang makatsikahan ko siya kahapon na sobrang na-miss ng anak nilang si Ram Nievera ang amang si Martin Nievera, kaya naghanda ito ng Father’s Day dinner.

Nagkasama nga noong Sunday ang mag-ama sa bahay ni Pops.

Nice!

Ritz mukhang magalang ang mapapangasawa

Marami ang natuwa nang i-announce ni Ritz Azul sa kanyang social media account na engaged na sila ng non-showbiz boyfriend niyang si Allan Guwi.

Actually, Ateng Salve, ipinakilala sa akin ni Ritz si Allan nang aksidenteng nagkita kami last year sa may Bonifacio High Street sa BGC (Bonifacio Global City) sa Taguig.

Mukhang very proud si Ritz sa non-showbiz boyfriend niya at sobrang excited siya nang i-introduce ito sa akin.

Nabaitan din ako kay Allan na mukhang napakagalang.

In fairness, cute silang pagmasdan. Bagay talaga!

‘Yun na!

vuukle comment

RUFFA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with