^

PSN Showbiz

Mayor Vico nilayasan agad si Bea, wala raw time sa love!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Mayor Vico nilayasan agad si Bea, wala raw time sa love!
Vico at Bea

Actress walang pag-asa?

Maraming kinilig sa post ni Bea Alonzo na kasama si Pasig Mayor Vico Sotto. Personal kasing tinanggap ni Mayor Vico ang donations ng grupo ni Bea, I Am Hope, at nang i-upload niya, inamin ng Kapamil­ya actress na favorite ng kanyang mama ang anak nina Vic Sotto and Coney Reyes.

“Hi Mama! Nakilala ko na ang paborito mo! Joke! 
Team I AM HOPE went to Pasig this afternoon to turnover relief bags and disinfectants for the frontliners. Thank you, Mayor Vico Sotto and Cong. Roman Romulo, for your time. In line with Father’s Day, we intend to celebrate the fathers who choose to serve the community by cleaning the streets and picking up our garbage. MARAMING SALAMAT PO sa mga tatay na street sweepers at garbage collectors sa pagtulong sa ating kumunidad at sa pagttrabaho ng marangal para sa kanilang pamilya. 
From the I AM HOPE FAMILY, HAPPY FATHER’S DAY!,” ang buong post ni Bea sa turn-over photos ng kanilang donations.

Well, ayon sa isang malapit kay Mayor Vico, no time for love daw ito dahil nga sa rami nang inaasikaso sa kanyang nasasakupan. And he left right away daw after the turn over dahil sa hectic sked nga ng alkalde.

Kaya few minutes lang daw talaga sila nagkita ni Bea plus naka-mask pa kaya wala raw talagang chance mag-chika and dalawa - “after few minutes, photo-photo and then wala na,” say ng source. Umalis na rin diumano si Mayor Vic dahil may lakad nga ayon ulit sa ka-text kong malapit sa alkalde ng Pasig.

So sa ngayon, hilaw pa raw sabihing may chance na ma­ging sila.

Nauna nang na-link ang Pasig mayor kay Gretchen Ho, pero ‘yun din ang dialogue ng malapit sa alkalde, wala raw itong oras sa pag-ibig.

Nagpasalamat naman si Mayor Vico sa grupo ni Bea through IG comment. “Thank you for helping and congrats for the success of @iamhope_org!”

Sayang, pareho sana silang single. Kung hindi siguro new normal, baka may beso-besong naganap at nagkakitaan sila ng mukha. Pero dahil sa pare-parehong nag-iingat, walang ganung naganap. Mata sa mata lang.

vuukle comment

BEA ALONZO

VICO SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with