^

PSN Showbiz

Singer/actor at misis na actress, hindi na babalik ng pilipinas

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Tinanggihan na raw ng isang magaling na singer/actor ang isang teleserye dahil mas pinili nitong iwan ang Pilipinas at tuluyan nang manirahan sa ibang bansa kasama ang kanilang mga anak.

Isang magaling at mabait ding aktres ang asawa ni singer/actor na ikinukuwento pa sa amin noon na silang mag-asawa na lang ang naiwan dito dahil nasa ibang bansa na ang kanilang mga anak para ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.

Kaya ang alaga raw nilang mga aso ang itinutu­ring na nilang anak dito.

Hindi naman kasi nila maiwan-iwan ang kanilang career dahil maganda naman at marami pa silang offers.

Pero dahil sa pandemyang ito, nabago na ang kanilang desisyon.

Mukhang doon na sa ibang bansa sila manirahan kasama ang kanilang anak.

Malaking bagay din ang kalagayan ng ina ni singer/actor na kailangan nilang bantayan. Kaya nag-decide na itong huwag na munang tumanggap ng trabaho dito sa Pilipinas para makasama na ang kanyang pamilya sa ibang bansa.

Kailangan na ring sumama ni aktres para buo na ang kanilang pamilya.

Mas gusto nilang doon na lang sila sa ibang bansa kesa dito sa Pilipinas na patuloy pa ring nakipaglaban sa COVID-19.

Ang inaalala ko lang, paano na kaya ang mga aso nilang naiwan na itinuturing pa naman nilang mga babies na rin nilang mag-asawa?

Ipapasunod kaya nila ito sa bansang tinutuluyan nila ngayon?

Sharon palaban ang aura

Talagang nasa warpath ngayon si Sharon Cuneta, dahil sa sobrang galit niya sa isang Sonny Alcos na nag-post na gagahasain daw nito ang anak niya kung dose-anyos lang ito.

Bukod sa megastar, nagpupuyos din sa galit ang ilang ina sa kabastusang ipinost ng taong ito na tinanggal din niya bandang huli.

Kaya ipinangako ni Sharon na talagang hahantingin niya ang taong ito.

Pero hindi lang itong si Alcos ang napagbuntunan niya ng galit kundi ang dating movie reporter na nagdidirek na rin ng ilang indie films na si Ronald Carballo.

Si Sharon ang isa sa pinaka-close noon kay Kuya Ronald na dati kong kapitbahay sa Quezon City.

Meron pa nga siyang isang birthday party noon na pinuntahan pa ng megastar, at kung hindi ako nagkamali, isa siya sa mga publicists nito.

Sa hindi na namin inalam na dahilan, ilang beses nang binabanatan si Sharon ni Kuya Ronald sa kanyang Facebook account. Tinawag niyang ‘laos’ at itong mga huling posts niya na tinanggal na rin ay nagpasiklab ng galit kay Sharon, lalo na’t nag-react na rin ang ilang mga supporters nito.

May mga ilang posts pa si Sharon na kung saan nai-share pa niya ang kuwento ng ilang kaibigan na ginawa diumano ni Ronald Carballo.

Sa totoo lang, pati sa amin ay may mga na-forward pang iba pang kuwento na ginawa sa kanila ng naturang writer/director, na kapag nakarating ito kay Sharon, tiyak na iri-repost niya rin.

vuukle comment

ACTOR

SHARON CUNETA

SINGER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with