^

PSN Showbiz

Coleen, pinag-aaralan na kung paano manganak ng normal

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Coleen, pinag-aaralan na kung paano manganak ng normal
Coleen
STAR/ File

Ika-anim na buwan na ngayon ang ipinagbubuntis ni Coleen Garcia.

Lalaki ang magiging panganay na anak ng aktres at asawang si Billy Crawford. Ngayon pa lamang ay pinaghahandaan na ni Coleen ang kanyang panganganak. “I started watching my birthing classes. It’s all online, I started watching it. It’s from the States. It’s centered on natural, unmedicated birth and I watched the first session and I was crying because it looks hard,” paglalahad ni Coleen.

Hanggang maaari ay normal delivery talaga ang gustong mangyari ng aktres sa kanyang panganganak sa September. “Because of co­vid-19 they are not doing water births in the hospitals anymore. Then like right now actually the dads are not even able to accompany the moms. Sana by then things will loosen up a bit,” pahayag ng aktres.

Mayor Isko, ‘di malimutan ang kauna-unahang kinita sa showbiz

Malaki talaga ang ipinagbago ng buhay ni Isko Moreno mula nang pasukin ang show business noong kanyang kabataan.

Noong bata pa lamang ang Alkade ng Maynila ay nangangalakal na ng basura. Nakita noon ni Wowie Roxas si Isko sa isang lamay ay inalok itong mag-artista. Hinding-hindi raw makalilimutan ni Mayor Isko ang kanyang kauna-unahang nagawang proyekto. “Nag-doorbell ako, ang call time ko ay alas nuebe, alas otso nando’n na ako. Hindi ako nakuhanan. Alas nuebe, chicha, tanghalian na. Noong araw usung-uso pa ang meryenda, limang chicha ‘yan. Meryenda, dinner at midnight snack. Basta inabot ko ‘yung limang meals. Tapos nandoon ka lang sa loob ng aircon (standby area). Kinuhanan ako alas kwatro ng umaga para lang pumindot ng door bell at hanapin ko si Eric Fructuoso. Siya ang main cast (member). Pagpindot kong ganyan, P1,500 (ang talent fee),” natatawang kwento ni Mayor Isko.

Pumapasada rin ang actor-politician noon gamit ang side car at mahina raw ang kita rito kumpara sa pagiging isang artista. “Noong araw kapag nagsa-side car ako ay P50.00 ang neto ko. P50.00 times 30 days, umulan, bumagyo, magkaroon ng delubyo kailangan makapag-boundary ako o kaya maka-P50.00 ako eh di P1,500 ‘yon sa 30 days. Ito (show business), nakaniyangga ka lang, may aircon pa. Sabi ko, okay itong trabahong ito,” dagdag pa niya.

Para kay Mayor Isko ay isang malaking oportunidad sa kanya ang pagiging isang artista. Mula noon ay nagsumikap siya hanggang unti-unting nakilala sa show business at kinalaunan ay pinasok naman ang mundo ng pulitika. “Nakita ko ang value ng opportunity at ipinagpapasalamat ko sa Diyos, kay Kuya Germs (German Moreno) kay Daddy Wowie, higit sa lahat sa Diyos. Ang sarap ng trabahong ito, you are being paid to wait. Malaking-malaki (ang ipinagbago ng buhay), walang transition from basura to glitz and glamour. Tapos ang gaan ng pera,” pagbabahagi ng Alkalde. (Reports from JCC)

vuukle comment

COLEEN GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with