^

PSN Showbiz

Ivana, muntik sukuan ang pagpapaseksi, kinahiya ng mga kaibigan

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Ivana, muntik sukuan ang pagpapaseksi, kinahiya ng mga kaibigan
Ivana

Nasa 4.7 million na ang Instagram followers at 7.21 million naman ang subscribers ni Ivana Alawi sa sarili nitong YouTube channel. Kahit maraming naaaliw at humahanga ay mayroon ding online bashers ang aktres.

Ang pagpapaseksi ni Ivana ang kadalasang pinapansin ng online bashers. “I know myself and alam ko na I’m more than just sa paghuhubad and proud ako sa sarili ko eh. So bakit ako magpapaapekto sa mga taong humihila sa akin pababa. Ang dami kasi talaga ganyang reaction na sinasabi nila na, ‘Ano ba ‘yan? Panay pakita ka ng katawan, iyan lang ang meron ka, wala kang utak, wala kang gano’n.’ I’m proud of myself, nakapagtapos ako ng college, natutulungan ko family ko and I’m happy. I’m not I’m not hurting anyone, trabahong marangal. Naiinggit lang sila eh, and I accept that,” pagbabahagi ni Ivana.

Bukod sa netizens ay may ilang mga kaibigan din ang aktres na nagbitaw ng masasakit sa salita tungkol sa ginagawa nitong pagpapaseksi.

Naisipan na raw ni Ivana noon na talikuran na ang pagiging isang artista upang makaiwas sa mga mata ng publiko. “Sobrang naapektuhan ako kasi ‘yon ‘yung time na gusto kong maging sexy. Tapos ang sakit ng binibitawan na salita. ‘Pag mag-post ako ng picture ise-send ko muna sa kanila para ipa-approve sa kanila pero nagsalita sila ng napakasakit na word and that really hurt me. Kasi I treated them as my own family. ‘Yung mama and mga kapatid ko never ako nakarinig ng mga salita na, ‘Nakakahiya ka!’ They’re proud of me and I am happy na my family supports me. Ang nakakalungkot lang was the people I thought were my friends, they never supported me. Sabi nila, ‘Wala kang mararating.’ Pumunta ako sa manager ko. Sabi ko, ‘paki-remove na po ako. Gusto ko na po umalis at hindi ko na po itutuloy ang pagiging sexy ko at ayoko na.’ Then my mom told me na, ‘Lumaban ka, bakit ka magpapaapekto sa mga kaibigan mo, hindi mo sila kaibigan kung ganyan sila,” kwento ng dalaga.   

Karen,ayaw mag-assume na ikakasal sa ama ng dalawang anak

Kamakailan ay inamin ni Karen Reyes sa pamamagitan ng sariling YouTube channel na mayroon na siyang mga anak. Buntis na pala ang dating Pinoy Big Brother housemate habang ginagawa ang pelikulang My Ex and Whys noong 2017 na pinagbidahan nina Liza Soberano at Enrique Gil. “Nagmo-morning sickness ako, tapos siyempre first pregnancy ko. ‘Yung time na ‘yon sobrang lakas ng ulan. Ang eksena namin papasok kami ng bahay. Siguro two months pregnant ako no’n, so wala akong choice kundi magpaulan. Super dasal lang talaga ako na sana hindi ako magkasakit. Sana okay lang maulanan ang buntis, kinabahan talaga ako na baka mapahamak ‘yung baby ko,” kwento ni Karen.

Ngayon ay dalawa na ang anak ng aktres at ng bokalista ng bandang Silent Sanctuary na si Sarkie Sarangay. Kahit may sariling pamilya na at abala sa pag-aalaga ng mga anak ay wala raw balak si Karen na talikuran ang pagi­ging isang artista. “No, kasi ‘yung showbiz, siya ‘yung source of income ko eh. So talagang hindi ko naisip na bitawan. Sobrang takot ko na baka mawala sa akin. Hindi ko pwedeng bitawan kasi mawawalan ako ng work,” giit niya.

Marami ang nagtatanong kina Karen at Sarkie kung may plano nang magpakasal ngayong mayroon na silang dalawang anak. Nangangarap naman ang aktres na mangyayari ito sa mga susunod na taon. “Ayoko lang mag-assume, pero sana, sana,” pagtatapos ng aktres. (Reports from JCC)

 

vuukle comment

IVANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with