^

PSN Showbiz

Paolo at LJ ayaw manggamit ng anak

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Paolo at LJ ayaw manggamit ng anak
LJ

Marami ring tumutok sa pag-ere uli ng ASAP Natin To sa kanilang Kapamilya channel nung Linggo kung saan ay nag-trending pa sila.

Kaya marami na rin ang nangu­ngulit kung kailan na ba babalik ng live ng All-Out Sundays ng GMA 7.   

May napagtanungan kaming nagsasabing malapit na raw. Ang gusto lang daw tiyakin ng GMA 7 ay ang safety ang studio at natiyak ang kalusugan ng mga artistang involve, pati ang mga staff.

Mukhang mahirap pa kasing pabalikin ang mga drama series, kaya idinadaan muna sila sa iba’t ibang activities online.

Pero ang nasa live show, at mga programang tini-tape sa studio ay uunahin daw muna.

Tinanong ko nga ang isa sa regulars ng AOS na si Paolo Contis, pero wala pa rin siyang masagot sa akin dahil wala pa raw advise sa kanila kung kailan na sila babalik.

So far, sa Facebook live chat muna sila tuwing Linggo at nai-enjoy naman ng actor/TV host.

Bukod sa online shows na sinimulan nila, pinagkakaabalahan na rin ni Paolo at LJ Reyes ang kanilang You Tube channel na dumarami na ang subscribers.

 Maganda ang feedback sa mga unang content nila. Pero medyo nahirapan lang daw sina Paolo at LJ sa mga susunod nilang i-upload dahil ayaw naman daw nilang isama lagi ang mga anak na sina Aki at Summer. Ayaw nilang pagbintangan silang ginagamit lang nila ang kanilang anak para sa kanilang social media accounts.

Agimat ni Ramon Sr. naipasa na!

Nakakatuwang tingnan sa video na ipinost ni Sen. Bong Revilla sa kanyang Facebook account na nakikipagbiruan na sa kanila ang Daddy nila, si dating Sen. Ramon Revilla Sr.

Na-ICU ang ex senator pero sa tulong ng dasal ayon kay Bong ay agad naman itong nailipat sa regular room.

Mahina pa ang boses at hindi pa ganun kalinaw magsalita si Mang Ramon, pero nakikita na okay na okay na ang itsura niya at may improvement ang kanyang kalagayan.

Lagi nilang sinasabing may bisa pa rin talaga ang agimat ng Daddy nila, pero sinasabi at sinesenyas ni Mang Ramon na ibinigay na raw niya ang agimat kay Sen. Bong.

Si Mayor Andeng Ynares pa ang nag-interpret sa senyas ng Daddy nila dahil hindi gaanong maintindihan ni Sen. Bong.

Sagot naman ng senador, wala pa raw sa kanya ang agimat. Mas kailangan daw ito ngayon ng Daddy nila.

Ang wish na lang sana nila na tuluy-tuloy na ang pagbuti ng kanilang ama, para sa tahanan na raw nila isi-celebrate ang Father’s Day sa darating na Linggo.

Samantala, marami na ang nagtatanong kung kailan na iri-resume ang taping ng Agimat ng Agila. Pero hindi rin alam ni Sen. Bong sa ngayon dahil nakahanda naman daw siyang ma-lock-in sa isang lugar kung sakaling mag-resume sila ng taping. Naka-recess naman sila ngayon sa Senado.

Wala pa ring pahayag ang GMA 7 kung kailan sila magri-resume ng trabaho dahil tinitiyak lang daw talaga nilang safe ang lahat.     

vuukle comment

LJ REYES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with