^

PSN Showbiz

Pagbabalik ng Showtime, pinaghandaan ng Eat bulaga

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Ngayon pa lang magsisimula ang It’s Showtime sa Kapamilya channel, at talagang kinakarir ng mga host at ilang Kapamilya stars ang pagpu-promote sa kanilang social media account.

Ang sabi lang nila, abangan na lang ‘magkasayahan’ sa It’s Showtime na curious din kami kung paano nila magagawa ang ganung live show na kailangang sumunod sa mga ipinapatupad na guidelines at safety protocols.

Ang sabi ng ilang kaibigan na nagtanong-tanong sa mga taga-Showtime, ilang araw na raw silang nag-quarantine ng contestants, at pati na rin ang mga host.

Tinitiyak lang nilang safe ang lahat kaya kailangan din nilang dumaan sa rapid test.

In fairness sa mga taga-Eat Bulaga, nakikita naman kung paano sila nag-iingat.

Mga taga-Kalyeserye lang na sina Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Maine Mendoza at Alden Richards ang hosts sa APT Studio, at nasa Zoom lang sina Vic Sotto at Joey de Leon na senior citizens na kasi.

Pati mga minor na sina Ryza Mae Dizon at Baste at nasa kani-kanilang bahay muna at naka-Zoom rin.

Marami rin ang natuwa nang gawing live na uli ang Bawal Judgmental segment nu’ng nakaraang Thursday.

Si Teri Onor ang naglaro at nasa plastic booth ang bawat participant na kasama sa choices. Nakapuwesto na sila sa may bleachers na lugar dati ng audience.

Mark aminadong hindi na madilim ang buhay

Lalong na-inspire si Mark Bautista na magpinta dahil na-sold-out ang lahat ng paintings niya na ipina-exhibit niya online.

Sampung paintings niya ang naibenta kung saan ibinigay rin niya sa Shop and Share program na pinagkakaabalahan ni Angel Locsin ang kinita na halos aabot ng kalahating milyon.

Si Dimples Romana raw ang kausap niya rito na siyang nag-ayos sa Shop and Share.

Nitong naka-quarantine pa tayo ay matagal na raw niyang iniisip kung paano siya makakatulong lalo na sa frontliners.

Naisip daw niyang bumili ng PPEs para  maipamigay niya, pero baka kulangin lang daw at hindi naman daw niya kayang bumili ng napakaraming PPEs, kaya naisip niyang ibenta ang paintings na nagawa pa niya nu’ng 2011, at mayroon din siyang ginawang bago.

Medyo hesitant pa raw siya dahil alam niyang hindi naman alam ng lahat na nagpipinta siya. Pero nu’ng ipinost na niya ang paintings niya at ipina-auction ito, ang dami raw sumali.

Nung Tuesday lang daw na-sold out ang lahat na sampung paintings na nagawa niya.

Ang napansin lang ni Mark, medyo dark daw yung mga abstract paintings na nagawa niya noon, kung ikumpara ngayon na ang titingkad ng kulay, mukhang masayang tingnan. “Kung napapansin nila sa pictures, nakikita nila yung mga paintings na ginawa ko nung 2011, sobrang iba sa ginawa ko this lockdown na mas colorful siya na mas maliwanag.

“Kung ano yung present na nararamdaman ko habang nagpipinta ako, iyun na yung lumalabas eh,” nakangiting pahayag ni Mark.

Agree naman siya na baka iba na kasi ngayon dahil nag-out na siya, at wala na siyang itinatago.

Sana makabalik na raw sila ngayon sa All-Out Sundays nang live, at makapag-promote pa siya ng single niyang Halik sa Hangin na nasa Spotify na.

Kim may wish kay Alden

Pursigido na si Kim Domingo sa pagiging wholesome niya dahil tinanggap naman siya ng fans niya.

Ibinigay na niya ang pagiging pantasya ng bayan kay Faye Lorenzo na all- out ang pagpapa-sexy.

Ang wish na sana ni Kim ay makagawa siya ng isang magandang project na makakasama niya si Alden Richards.

vuukle comment

EAT BULAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with