^

PSN Showbiz

Mga babalik sa taping may self isolation, Korean drama nilalamon na ang local teleserye

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Mga babalik sa taping may self isolation, Korean drama nilalamon na ang local teleserye
The World of A Married Couple cast
STAR/ File

Bongga, mapapanood na ang The World of A Married Couple sa bagong Kapamilya Channel na kuwento ng nawasak na pag-ibig, respeto, at tiwala ng nagmamahalang mag-asawa ng duda at kasinungalingan na isa sa talagang pinag-usapang Korean drama ng 2020, gabi-gabi simula sa Lunes (Hunyo 15).

Grabe pinagpuyatan ko ‘tong panoorin dahil nga exciting ang mga eksena  ng mag-asawang sina Sandra at Tony, dalawang taong pinagbuklod ng kanilang pagmamahalan at kanilang anak na si Joshua. Maituturing na perpekto ang kanilang pamilya — maayos ang takbo ng kanilang karera, may maganda at masayang tahanan, at kinaiinggitan sila ng marami.

Sa puntong akala ni Sandra na napakasaya ng kanilang buhay, madidiskubre niya ang nakawawasak na katotohanan — may ibang babae ang kanyang asawa, at ang mas masakit pa ay alam ito ng mga taong pinakamalapit sa kanya.

Pero mas malaking dagok pa ang haharapin nila dahil mabubuntis niya ang kabit niyang si Denise. Sa kabila nito, lalaban si Sandra, lalo na para sa kanyang anak,? upang protektahan ang tahanang kanyang binuo.

Siyempre iba na ang pangalan ng main characters sa pag-ere nito na Tagalog na ang dialogue.

Patok na patok at pinag-usapan nga ang The World of A Married Couple sa South Korea na nagtala ng highest viewership rating sa cable sa naturang bansa. Nanalo rin sa katatapos lang na Baeksang Arts Awards ang bida nitong si Kim Hee Ae ng Best Actress award para sa kanyang pagganap bilang Sandra.

Bukod sa The World of A Married Couple, tampok din sa Kapamilya Channel ang bagong romantic-comedy Korean series na Familiar Wife simula ngayong Lunes, 9:30 a.m.

My gosh, sana naman ay ‘wag tuluyang lamunin ng Korean drama ang local teleserye natin na may dilemma pa dahil nga sa health protocol na pinaiiral  sa coronavirus pandemic.

Ang ABS-CBN, lahat ng babalik na sa taping ay may self isolation, as in hindi puwedeng makipag-usap sa kahit kanino para masigurong hindi sila infected ng virus bago ang lock-in taping nila.

Ang GMA 7 ay wala pang advisory kung kailan uli sila mag-uumpisang mag-taping ng mga naudlot nilang teleserye.

By the way, spotted the other day sa senate si Coco Martin.

Yup, hindi para makipag-chika sa mga senador kundi para bisitahan si Sen. Lito Lapid.

Ang sabi, nanghihingi diumano ng advice si Coco ngayong mag-uumpisa na ngang mag-taping uli ang Ang Probinsyano.

Dating fight director ng series si Sen. Lapid at gumanap na Pinuno.

vuukle comment

KAPAMILYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with