^

PSN Showbiz

Julia ayaw ma-lock-in, bumitiw sa Burado!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Julia ayaw ma-lock-in, bumitiw sa Burado!
Julia at Nadine

Naghahanap na diumano ng kapalit ni Julia Montes ang ABS-CBN para sa Burado na originally ay pagbibidahan nila ni Nadine Lustre.

Kasama rin sa original cast sina Paulo Avelino and Zanjoe Marrudo sa released materials ng Dreamscape Entertainment bago nagkaroon ng lockdown last February.

Though wala pa silang sinasabing story noon, pero action-packed diumano ito dahil makikitang nasa motorcycle pa si Nadine.

May statement pa sila noon na magkakaroon sila ng international locations like Thailand, Cambodia and India at ipalalabas daw ito sa primetime bago nagkaroon ng problema ang ABS-CBN sa kanilang franchise.

Nauna nang naudlot ng coronavirus pandemic at ABS-CBN closure ang comeback series ni Julia na 24/7 with Arjo Atayde.

Matagal nawala sa showbiz si Julia matapos diumanong manganak na hindi naman niya inaamin na ang sinasabing ama ay si Coco Martin na never ding nagsalita tungkol dito.

Ayaw nga bang ma-lock-in ni Julia ng 15 to 21 days sa taping na magiging new normal?

Meron daw kaya siyang hindi kayang iwan ng ganun katagal, tanong ng ka-chika ko sa viber kahapon.

Sa dalawang probinsiya daw kasi magla-lock-in ang taping ng Burado eh kailangan pa nilang mag-quarantine ng more than two week so more than a month daw ang kailangan nila para sa taping ng nasabing action series.

Anyway, habang sinusulat namin ‘to, may pahabol si source, pati raw pala si Ina Raymundo, nag-back out na sa Burado.

Ang tanong ngayon, sino kaya ang papalit kay Julia? Hindi kaya si Julia Barretto na lang? Bilang magkapangalan sila. Hihihi.

Nakisalamuha sa PUI, aktres na si Pinky Amador tinadtad ng mura at panlalait ang staff ng hotel

Super viral kahapon ang pagwawala at pagmumura ng actress na si Pinky Amador sa staff ng tinitirhang hotel sa Makati.

May hinihingi kasing dokumento si Pinky sa staff base sa kumalat na video sa social media. Isang circular na nagsasabing ang naturang hotel ay puwedeng tumanggap ng OFWs na bumalik ng bansa.

Tatlong linggo na raw niyang hinihingi ang nasabing circular pero may tinuturo ang staff na nasa bulletin board na katuwiran ni Pinky ay hindi ‘yun ang hinihingi niya dahil certification ‘yun.

Sinasabi pa niyang na-expose siya sa OFWs na PUM (Persons Under Monitoring) na nakasabay niya sa elevator at tinulungan niya pa raw dahil sa katangahan ng mga staff.

“You do it right now. Mga p----- n’yo,” tungkol sa hinihingi niyang document na gusto niyang ipa-print.

“Sinusunod lang namin po kung ano ang inuutos sa amin,” sagot naman ng staff.

“You are accepting OFWs here with no testing results. Sino? P______ mo! Gawin mo ngayon ‘yan, hindi ako aalis dito!  P______ mo, pag ako nagkasakit, babayaran mo ba pang-ospital ko?

“Tagalan mo pa, p ______ mo, kakaladkarin kita dito!” bahagi pa ng gigil na pagmumura ng character actress.

Meron pa siyang sinasabing na “bobo ka, p______ ka.

“Basahin mo, certification ‘yan, hindi ‘yan ‘yung hinihingi ko, circular.

“Kung makasingil kayo ng bayad tapos buhay namin isasalalay n’yo sa katangahan n’yo, boba.”

Grabe, parang wala na talagang bukas ang ginawa niyang pagmumura pero ang hindi niya alam may nakatututok na cellphone at umabot ang pang-aaway niya sa hotel staff ng more than five minutes.

Maraming nainis sa grabeng pangmamata nito sa mga staff ng hotel pero may ilan din namang naintindihan kung bakit todo ang kanyang pagwawala.

But anyway, kahit ano pang sabihin o katwiran, hindi tamang manlait ka lalo na sa panahon ngayon.

Ruffa walang kanegahan

Buti pa si Ruffa Gutierrez, very optimistic ang attitude.

Walang kanegahan.

Sa kanyang latest post, nag-share siya ng qua­rantine thoughts. Heto gayahin na lang natin kesa magkaroon ng anxiety or maging bitter sa mga nangyayari:

“iloveruffag A healthy list:
1 Get more sleep
2 Make time to exercise
3 Drink more water
4 Show gratitude 
5 Stay teachable
6 Read and write more
7 Remove clutter
8 More random acts of kindness
9 Do not respond to negativity
10 Spend quality time with family
 #QuarantineThoughts.”

Babalik na si Ruffa sa Love Thy Woman starring Kim Chiu and Xian Lim na ipalalabas sa bagong cable channel ng ABS-CBN, Kapamilya Channel.

vuukle comment

JULIA MONTES

NADINE LUSTRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with