^

PSN Showbiz

Kim kumpirmadong superstar ng quarantine season!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Kim kumpirmadong superstar ng quarantine season!
Kim
STAR/ File

Kahit winawasak sa Bawal Lumabas...

Hindi talaga maitatangging si Kim Chiu ang isa sa mga superstars sa panahon ng quarantine dahil sa sumikat na Bawal Lumabas: The Classroom Song na kanta.

Nag-guest nga si Kim sa Wish 107.5 kamakailan lang at in-upload ang naturang kanta nung nakaraang Biyernes, at sa loob ng 13 oras naka-1.5M views na ito sa kanilang YouTube channel.

Naka-59K likes ito, pero naka-367K dislikes ito. Kaya as of yesterday, ito na nga ang Most Disliked Song sa kanilang YouTube channel.

Halos 100 thousand comments ito na karamihan ay negatibo.

Sinasabi kasi ng mga ilang nagbigay ng negative comments na mas marami pa raw na mga artist na mas deserving na mapansin kesa raw sa kanta ni Kim Chiu.

Pero ito talaga ang sikat na kanta ngayon, kaya kahit most disliked song ang Bawal Lumabas, sikat talaga at si Kim at maituturing na isa sa mga superstars sa panahon ng quarantine.

Kahit nga ang Bawal Lumabas merchandise niya na mga t-shirt na binebenta nila sa Instagram ay malakas din at nagkakaubusan na.

Limited edition daw ito, kaya ina-announce na nila sa Instagram ng ­ @bawallumabasmerch na iilang t-shirts na lang at limitadong sizes na lang ang available.

Sabi nga ni Kim, ang kikitain nitong mga Bawal Lumabas merchandise ay ibibili raw nila ng food packs na ipamimigay sa mga pamilyang hindi pa rin puwedeng lumabas at dagdag na tulong din sa mass testing project ni Angel Locsin.

Paolo nakakaramdam na ng sepanx

Hindi naman maiwasan ni Paolo Contis na maiyak kapag pinag-uusapan na nila ni LJ Reyes na matagal siyang mapapahiwalay kapag bumalik na siya sa trabaho.

Hindi raw niya maisip kung paano niya ito gawin na 21 days siyang naka-quarantine sa bahay nila na hindi siya makalapit kina LJ at kanilang anak.

“Mawawala ako halimbawa mga one week, tapos ilang araw ko kayong hindi puwedeng lapitan? Mga 21 days daw?

“Makikita ko kayo, pero hindi ko kayo puwedeng hawakan? Naiyak ako eh. Hindi puwede,” bulalas ni Paolo nang nakatsikahan namin via Zoom.

May pinaplano kasing project sina Paolo at Boy 2 Quizon na gusto na sana nilang simulan ang shoot. Pero kailangan nilang sundin ang guidelines, kasama roon ang isolation ng matagal-tagal.

“Kasi siyempre ‘di ba yung self-isolation mo na prior to work and after the work. So bago siya talaga.

“Eh iyung pag-alis nga ng bahay overnight, hindi ko maisip kasi….meron kaming routine na sa oras na perfect na yung routine eh na pag may isang mawala, biglang oops iba na naman.

“Pero siyempre we have to start moving, we have to start working. We owe it to the public eh. Kailangan na namin magtrabaho, and eto na ngayon eh, The time has come na malapit na namin kailangang harapin,” saad pa ni Paolo.

Kaya talagang separation anxiety daw talaga ang haharapin kapag malayo na sa trabaho.

As of now, hindi pa masabi ni Paolo kung kailan sila magbabalik sa taping ng Bubble Gang, dahil tinitiyak pa ng GMA 7 na masunod ang mga guidelines at protocols na pinapatupad.

“Naniniwala kami na collective ikanga, kapag magsimula ang isa, kailangan ganun na rin ang iba.

At kailangan kumpleto ang guidelines…at hindi lang basta Bubble Gang, marami pang programa,” sabi pa ni Paolo.

vuukle comment

KIM CHUI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with