^

PSN Showbiz

Kathryn dalawang beses buminggo kay Direk Olive

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Kathryn dalawang beses buminggo kay Direk Olive
Kathryn

Masayang nagbalik-tanaw sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa mga panahong nakatrabaho nila ang batikang direktor na si Olivia Lamasan. Walong taon nang katrabaho ng tambalan ng Kath-Niel si direk Olive o mas kilala sa tawag na ‘Inang.’ “Nakadalawang bingo ako kay Inang. Una, ako lang kasi hindi ko memorized ‘yung script ko. Tapos ‘yung pangalawa kasama na si DJ (palayaw ni Daniel) dito, na-late kami ng gising lahat, so hindi namin naabutan ‘yung train. Hindi kami nakasakay sa train. Hindi kami nakarating sa location. Naghihintay sila  tapos nasayang ‘yung isang araw na ‘yon kasi late kami nagising so domino effect,” pagdedetalye ni Kathryn.

Aminado ang magkasintahan na mayroon silang pagkakamali sa nangyari kaya humingi sila kaagad ng paumanhin sa respetadong direktor. “Una, tinitimpla ko muna, ayaw kong lapitan nang galit baka abutan ako eh. So no’ng una very cold kami kasi ‘pag nag-instruct talaga siya focus kami. Kasi hindi kami pwede magkamali, kasi may kasalanan kami. Pero eventually nagyakapan na kami. Bago natapos ‘yung araw kasi for sure si Inang hindi naman rin niya gusto ‘yon. Ayaw rin niya na may bothered sa set. No’ng alam niyang naintindihan na namin ang lesson namin at talagang tortured kami, okay na, pinatawad niya na kami,” nakangiting kwento naman ni Daniel.

Lara: ‘Hindi sayang ang baby namin!’

Sobrang nalungkot at napaiyak ang panganay na anak nina Precious Lara Quigaman at Marco Alcaraz na si Noah nang malamang lalaking muli ang magiging kapatid.

 Ika-anim na buwan na ngayon ang ipinagbubuntis ng beauty queen-actress. Babae na sana ang kahilingan ng bata katulad ng kagustuhan ng mga magulang pero masaya pa rin sina Lara at Marco sa naging resulta ng ultrasound. “Kuya Noah is sad but he said sorry naman na. Ngayon ko napatunayan na palaging tama ang mga panaginip ko. I dreamt of this baby boy twice. The past days, ang sini-search ko puro boy’s names. We love you anak, we’re so happy,” emosyonal na pahayag ni Lara.

“Happy siyempre, hindi naman ako disappointed, maganda rin kung may babae, basta healthy lang. Mahirap magbantay kapag babae. Dalawa na lang guys, basketball team na kami. Ako magiging coach nila,” nakangiting dagdag naman ni Marco.

Mayroong pakiusap si Lara para sa lahat ng nakaramdam ng panghihinayang dahil hindi naging babae ang kanilang pangatlong anak. “We’re very happy because the baby is so healthy. And mommy is crying again, pangungunahan ko na kayo na sana huwag n’yong sabihing ‘Sayang!’ ang aming baby number three. Kasi hindi sayang ang baby namin. Kahit hindi siya baby girl, we are very happy that this is a boy. We’re so excited. This baby is a gift and a blessing. God knows what’s best,” umiiyak na pahayag ng aktres.

 Wala namang problema kina Lara at Marco na subukang muli ang pagkakaroon ng babaeng anak. Reports from JCC

 

vuukle comment

KATHRYN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with