^

PSN Showbiz

Mga mayora may napatunayan sa kanilang trabaho

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Mga mayora may napatunayan sa kanilang trabaho

Napakalaking tulong sa pamamahala ng isang city ang feminine touch, Salve. Siguro dahil babae sina Ma­yor Joy Belmonte, Lani Mercado, Andeng Ynares at Abby Binay, meron sila ng I feel you kind of touch sa mga nasasakupan nila. Katulad na lang ng programa ni Mayor Abby Binay na talagang kasali sa mga relief item ang para sa mga student, at mga pagkaing type ng mga ganoong edad na high schoolers.

Si Mayor Joy Belmonte naman, talagang tinulu­ngan din niya ang beauty salons na makapag-open na dahil alam niya ang problems ng gays na nagtatrabaho sa ganitong establishments.

Personal naman sina Mayor Lani Mercado at Andeng Ynares kung makipag-usap sa constituents nila para personal nilang marinig at malaman ang mga problema.

Iba rin siyempre ang touch ng babae dahil sa maternal instinct nila. At first, maraming kumontra pero later on naman makikita naman sa performance nila ang nagawa ng apat na mayora.

Winner. Women power talaga.

Spiritual healing,kailangang-kailangan din

Siguro dahil Sunday kahapon, parang ang empty ng feeling mo na hindi pa rin puwedeng pumunta ng simbahan.

Totoo na ok naman ang mass sa TV, Facebook o YouTube, pero iba pa rin ang aura ng nasa loob ka ng simbahan.

Tuwing naririnig ko nga ang church bell na pinapatugtog every 6 p.m. parang meron akong kilabot na nararamdaman na para bang tinatawag ka Niya at sinasabing bakit ang tagal mo na akong hindi nadadalaw?

Naku, totoo naman na hindi lang health ang dapat na binabantayan kundi pati spiritual, kaya dapat lang na magbukas na ang house of worship ng kahit anong religion at tuluyan nang i-allow na magbukas na ang mga ito.

Sila ang bahala sa rules at sure naman ako na susunod ang lahat.

We need spiritual healing especially now.

vuukle comment

MAYORS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with