^

PSN Showbiz

Jane, maraming natutuhang putahe habang ECQ

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Jane, maraming natutuhang putahe habang ECQ
Jane
STAR/ File

Nakapagsagawa ng ilang relief operations si Jane de Leon sa iba’t ibang lugar upang makatulong sa mga kababayang apektado ng covid-19 pandemic. Para sa dalaga ay layunin niya talagang makapagbigay ng tulong sa abot ng kanyang makakaya. “Napakaliit na bagay lang po ng ginawa ko, pero masaya po ako na nakapag-share ako sa kanila kahit konti lang,” pahayag ni Jane.

Samantala, maraming mga putahe raw ang natutunang lutuin ng aktres dahil sa ilang buwang pananatili lamang sa bahay kasama ang pamilya. “Nagkaroon ako ng time sa pagluluto. Di ko rin po in-expect na mas ma-hone ko pa nang husto by cooking different recipes na puro first time ko lang din ginawa. So far I was able to prepare and cook seven recipes po this quarantine. Like lumpiang shanghai, pesto, gambas, chili tofu, paella and pandesal po. There was this one that I don’t have a name kasi experiment lang,” pagbabahagi ng dalaga.

Bukod sa pagluluto ay sinisikap ni Jane na magkaroon ng panahon na makawentuhan ang kanyang pamilya, mga kaibigan at mga tagahanga. “I just really have to bear with the boredom that I feel sometimes. Though I have a daily workout routine, do some singing, mostly games and kwentuhan with my family, nag-zoom party with fans and supporters po,” kwento ng aktres.

Wowie, naalala ang nakaraan nila ni Juday

Masayang-masaya si Wowie de Guzman dahil nakabilang sa Ampalaya Chronicles presents Labyu He He na pinagbibidahan nina Karina Bautista at Aljon Mendoza. Mapapanood na sa iWant simula ngayong Miyerkules ang natu­rang antho­logy. Naalala umano ni Wowie ang mga panahong magkatambal pa sila ni Judy Ann Santos dahil sa dalawang bida ng bagong proyekto. “Natatawa nga ako eh, kasi ganito pala ang itsura namin noong ginagawa namin ang Mara Clara no’ng nag-shoot kami nina Judy Ann, Gladys (Reyes). Para akong na-warp, siguro twenty years ago noong nakikita ko sila,” pagbabalik-tanaw ni Wowie.

Maraming mga tagahanga ang tambalang Judy Ann-Wowie dalawang dekada na ang nakalilipas. Maraming mga proyekto ang pinagsamahan ng dalawa na talaga namang pumatok sa takilya. Ayon sa aktor ay nakikita niyang malayo rin ang mararating ng bagong tambalan nina Karina at Aljon. “Relate na relate ako sa kanila lalo na ‘pag dinidirek sila. Nakikita ko din ang sarili ko. So nakakatuwa lang na makita mo at ma-picture mo ‘yung itsura nila na dumaan din ako sa gano’n. I’m sure malayo pa ang mararating nilang lahat,” paglalahad niya.

Binigyan din ni Wowie ng mga payo ang tambalang Kar-Jon upang mapagbuti pa ang trabaho na kanilang mga ginagawa. “Ang pinakaimportante, mahal mo ang ginagawa mo. Based sa experience ko hindi talaga mag-work ‘yan ‘pag wala kayong nagugustuhan sa isa’t isa, because nagta-transalate sa screen kung ano ang nararamdaman kung meron na kayo nararamdaman and ‘yon ‘yung magic,” makahulugang pahayag ng aktor.   (Reports from JCC)

vuukle comment

JANE DE LEON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with