^

PSN Showbiz

Kanta ni Sam swak sa ‘Lockdown’

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Kanta ni Sam swak sa �Lockdown�
Sam Milby

Ang kanta ni Sam Milby na Last Goodnight ang theme song ng iWant digital movie na Love Lockdown.

Unang inilabas ang pop-rock na kanta bilang bahagi ng Sam: 12 album ni Sam, na siya namang bumagay sa nakaka-intrigang istorya ng pitong bida sa bagong iWant movie na pinagsama-sama ng pag-ibig, pagnanasa, at pagtataksil.

Tinatalakay din ng kanta ang mga komplikasyon ng isang mapagnasang relasyon at ang mga problemang dala ng pagmamahal na bunga ng isang gabing pagsasama.

Bukod sa Sam :12, nakapag-release na ng apat pang album sa ilalim ng Star Music si Sam, kabilang na ang debut LP niya na Sam Milby noong 2006, A Little Too Perfect noong 2007, Love Duets kasama si Toni Gonzaga noong 2009, at Be Mine noong 2011.

Maligaya ang puso ni Sam sa kasalukuyan at malayo sa kuwento ng Love Lockdown, matapos niyang finally aminin ang relasyon kay former Miss Universe Catriona Gray.

vuukle comment

SAM MILBY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with