^

PSN Showbiz

Aktres windang na sa datung, sinisingil bigla ng milyones ang ex husband!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Habang nagdurugo sa sobrang paghihirap ang buong mundo dahil sa COVID-19 ay parang walang pakialam ang isang kilalang female personality sa pangingilin sa kasalukuyang panahon.

Kahit nga renta ng bahay at opisina ay ipinagpaliban muna ang pagbabayad, hindi rin magpuputol ng tubig at kuryente sa mga panahong ito dahil sa lockdown, pero ibang klase ang babaeng personalidad na ito.

Nabigyan pa niya ng prayoridad ang pagpapadala ng demand letter sa nakahiwalay niyang mister, sinisingil niya ito sa milyones daw na pagkakautang sa kanya, kung saang calculator niya nahukay ang halagang sinasabi niya ay tanging siya lang ang nakakaalam.

Mahabang panahon na silang hiwalay, may iba na ngang karelasyon ngayon ang kanyang mister, ang male personality rin ang sumasagot sa lahat-lahat ng gastusin para sa kanilang mga anak.

Natural, windang na windang ang aming source sa nakarating na kuwento sa kanya, hindi raw marunong rumespeto sa panahon ang female personality.

Sabi ng aming source, “Ano ba namang klaseng babae ‘yun? Itinaon pa niya ang pagpapadala ng demand letter sa father ng mga anak niya sa ganitong panahon na aligaga ang buong mundo dahil sa corona virus?

“Saka paano naman magkakaroon ng utang sa kanya ang ex-husband niya, e, ‘yung tao na nga ang bumubuhay sa kanilang mag-iina? ‘Yung ex niya ang nagpapaaral sa mga anak nila, nagpapadala rin ng panggastos ‘yung male personality sa mga anak nila, huwag naman niyang sabihin na hindi siya kasali sa perang ipinadadala nu’ng lalaki?

“Bakit, may trabaho ba siya? Huwag niyang sabihing hindi siya nakikinabang sa allowance na ipinadadala ng ex niya sa mga anak nila!

“At wala siyang pakialam, ha! Sa panahon pa ng pandemic siya nagpadala ng demand letter sa abogado niya! Wala siyang pangingimi! Wala siyang pakundangan! Ang kapal ng face value niya!” galit na komento ng aming source.

Walang-wala na raw sigurong datung ngayon ang female personality, pahabol ng aming kausap, “Hindi na siguro siya sinusustentuhan ng dear sister niya!”

Ubos!

Sarah pinagpala sa lockdown, Matteo dakila!

Tamang-tama raw ang tiyempo ng lihim na pagpapakasal (na natunugan din naman ng kanyang ina) nina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo,

Pagkatapos ng kanilang kasal ay umatake agad ang COVID-19. Bawal magtrabaho, bawal lumabas ng bahay, dahil sa lockdown.

Nabigyan sila ng pagkakataong namnamin ang kanilang pagmamahalan, araw-gabi ay magkasama sila, kaya maraming nag-iisip na baka magkaroon sila ng quarantine baby.

Palaging naniniwala sina Matteo ay Sarah na ang pagkakaroon ng anak ay regalo ng langit. Hindi minamadali ang pagkakaroon ng anak, dumarating ang munting anghel sa takdang panahon, sa nakadisenyong oras para magbunga na ang kanilang relasyon.

Pero mas maganda nga naman kapag maaga pa lang ay meron nang anak na mas magpapatatag pa sa pundasyon ng kanilang pagmamahalan.

Halos kasabayan nilang lumaki ang kanilang anak, para lang silang magkakapatid, hindi masyadong malayo ang kanilang edad.

Nakasulat na sa kasaysayan ng pag-iibigan ng mga artista ang nangyari kina Matteo at Sarah. Isang pagmamahalang hinarangan ng mga magulang ng babae pero pareho nilang ipinaglaban.

Matagal silang naghintay sa takdang panahon, ang dami-dami nilang sinuong na paghamon, pero sa pinakadulo ng kuwento ay nagtagumpay pa rin ang isang dakilang pagmamahalan.

Sa tinginan pa lang ng mag-asawa ay kitang-kita na ang nararamdaman nilang kaligayahan, nanggagaling talaga ‘yun sa puso, kaya walang dapat ipangamba ang mga magulang ni Sarah.

Napunta ang kanilang anak sa mabubuting kamay ng isang mapalad na lalaking handang ipaglaban ang kanyang pagmamahal sa anumang pagkakataon.

Sabi nga ng matatanda, ang mabait na bata raw ay pinagpapala, tulad ni Sarah Geronimo na isang dakilang anak at kapatid sa kanilang pamilya.

vuukle comment

FEMALE PERSONALITY

MATTEO GUIDICELLI

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with