^

PSN Showbiz

TV actor na manganganak na ang live in, said na said na nagpapa-load na lang sa manager

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Lumalabas na ang iba’t ibang kuwento ng kahirapan sa ating mga entertainer na sobrang apektado sa pandemyang ito.

Wala pa kasing katiyakan kung kailan ba babalik uli sa trabaho ang mga artista na may regular show sa TV at merong naka-pending na pelikula.

Kaawa-awa na raw ang kalagayan ngayon ng magaling na TV personality at pati na rin sa stage at pelikula dahil hindi naman pala sapat ang naipon niya mula sa mga sunud-sunod na trabaho niya dahil marami ring pinagkakagastusan.

Ngayong magta-tatlong buwan nang walang trabaho, nasimot na ang pera ni male performer at umaasa na lang daw sa kaka-cash advance sa mother studio niya.

Ang malaking problema pang hinaharap niya ngayon ay buntis daw ang kinakasama nitong non-showbiz girlfriend at nakatakda na yatang manganak.

Iyun ang isa sa pinuproblema niya, kung saan siya kukuha ng panggastos kapag manganak na si girlfriend.

Paano kung hindi pa siya makakabalik sa trabaho, at manganganak na ang girlfriend. Kaya pa ba niyang mag-cash advance.

Nanganganib na raw ang finances, dahil kahit nga ang load niya ay hinihingi na lang niya sa kanyang manager.

Ang hirap talaga!

Application ng bagong franchise ng dos, naging masalimuot

 Medyo masalimuot nga itong pagdadaanan ng ABS-CBN 2 para makakuha ng panibagong franchise.

Ang latest development nga nitong isyu ay application para sa bagong franchise at hindi na ang renewal dahil nag-expire na ito nung May 4.

Ang malaking problema lang dito ay ang frequency ng naturang network dahil panibagong franchise na nga itong pinag-uusapan.

Muli naming nakausap si Cong. Dan Fernandez sa DZRH nung nakaraang Martes ng gabi at sinabi nga niyang medyo complicated dahil hindi na nga renewal kundi application na ito ng panibagong franchise na isinumite ni Cong. Rufus Rodriguez nung May 6. Pahayag ni Cong. Dan: “Ang predicament namin is how to collate o ipagsama mo yung mga bill sa renewal at saka yung bagong franchise.

“Yung napagkasunduan kahapon kung papayag yung mga nag-file ng renewal na magkaroon kami ng consolidated na bills o substitute bill para hindi na siya renewal kundi bagong prankisa.”

Pero kung bagong franchise na itong pinag-uusapan ngayon sa Kongreso, baka magkaroon daw ng problema sa frequency na maaring mawala sa Kapamilya network. Dagdag na pahayag ng Kongresista ng 1st district ng Laguna; “Sa puntong yun meron ding problema kasi nga we had this understanding na kapag nagkaroon ng provisional franchise na ibibigay ng NTC mahu-hold ang tinatawag natin na frequency.

“Napakaimportante kasi ng frequency. Kung mawala ang frequency na yan, hindi talaga makapag-broadcast ang ABS.

“Kapag iyan nabenta sa ibang mga players, totally mawawala na ng frequency ang ABS. So, iyun ang isa sa mga predicament namin.

“By Monday, magkakaroon uli kami ng hearing about this franchise. Siguro maliliwanagan na dun kung ano talaga ang magiging final na bill; is it the renewal or the new franchise. Pero I think new application na talaga sa new franchise.”

 Maaring matatagalan ito sa Kongreso, pero kahit malapit nang matapos ang kanilang session, ipagpapatuloy pa rin daw nila ang pagdinig kasabay ng mga bill na may kaugnayan sa COVID-19 dahil iyun ang pinakamahalaga.

Kaya kung tuluy-tuloy nila itong pag-usapan, posibleng umabot daw ito sa SONA ni Pres. Rodrigo Duterte.

Buntis na Miss Eco-International, papalitan na

As of presstime, wala pang nailabas na statement ang franchise holder ng Miss World-Philippines na si Arnold Vegafria kaugnay sa pagka-dethrone sa Miss Eco-International na si Suheyn Cipriani ng Peru, dahil sa nagdadalangtao ito.

Ang first-runner up sa naturang competition ay si Maureen Montagne na tapos na nga ang reign niya dito sa atin bilang Miss World-Eco International.

Ayon kay Arnold, hindi pa raw niya makumpirma kung puwede nang ipotong ang korona ng Miss Eco-International 2019 dahil wala na sa Miss World-Philippines si Maureen at sumali na ito sa Binibining Pilipinas 2020.

Pero postponed indefinitely ang Binibining Pilipinas 2020, kaya hindi naman natuloy pa ang paglaban dito ni Maureen.

Kaya lang, kailangan pa rin daw nilang magpaalam muna bago ilipat kay Maureen ang korona ng Miss Eco International 2019 na tinanggal kay Miss Peru’s Suheyn Cipriani.

Sabi pa ni Arnold, kung sakaling mailipat na ito kay Maureen automatic na siya na rin daw ang ambassador ng United Nations for Eco-Tourism.

vuukle comment

TV PERSONALITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with