^

PSN Showbiz

Kikitain sa law of classroom ni Kim, mapupunta sa mass testing!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Kikitain sa law of classroom ni Kim, mapupunta sa mass testing!
Kim
STAR/ File

I ni-enjoy na ngayon ni Kim Chiu ang Bawal Lumabas song niya na nasa top 50 ng iTunes Ph.

Ito lang daw ang OPM song na nakapasok sa top 50 at nag-top ito sa OPM songs sa iTunes Ph.

Mahigit apat na milyon views na rin ito sa You Tube, lalo na sa vlog ni Kim Chiu.

Kaya bukod sa kantang collaboration nila nina Adrian Crisanto at DJ Squammy, nagkaroon na rin sila ngayon ng merchandise na binebenta nila na may print ng Bawal Lumabas at Law of Classroom.

Limited edition daw ito na binebenta ng 295 pesos each na mabibili online sa Instagram na @bawallumabasmerch at doon makikita kung paano mag-order at kung saan magbabayad.

Nung Lunes, ng gabi lang niya ito ini-launch sa kanyang vlog. Sabi ni Kim, ang kikitain daw sa mga t-shirt na mabebenta nila ay gagamitin sa pagbili ng  food packs na ipamimigay niya sa mga pamilyang bawal pang lumabas.

Kapag maging successful daw iyun, nakipag-partner na rin daw siya sa nass testing project ni Angel Locsin.

Gusto lang daw niyang gamitin na rin ang success ng kanta niya para mas marami pa raw silang matutulungan.

Dun na rin sa vlog ni Kim ay nag-usap sila via zoom ni DJ Loonyo na in-allow niyang gawan ng dance steps ang naturang kanta.

Nagpasalamat si Kim kay DJ Loonyo dahil hindi ito nakisakay nung nag-trending ang confusing statement ni Kim.

Marami na kasing naglabasang iba’t ibang version ng Bawal Lumabas song, at nagkaroon na raw ng dance challenge, pero hindi roon sumali si DJ Loonyo.

Ayaw daw gawin ng naturang dancer/choreographer bilang respeto na niya kay Kim na ilang beses din niyang nakatrabaho sa ASAP.

Kaya doon sa vlog ay magkasabay nilang isinayaw na maganda naman ang steps na sabi ni DJ Loonyo, ibinase na raw niya iyun sa mga kilos, pati pagkumpas ng kamay ni Kim nung sinasabi niya ang statement na iyun.

Masayang-masaya na ngayon si Kim at ang dami na nga raw niyang natutunan sa karanasang ito.

“Everyday, we learn something. Meron tayong matututunan sa sarili natin o people around us o sa mga taong binababa tayo.

“I just wanna say thank you dahil kahit papano makaka-survive ka talaga sa lahat ng unos ng buhay na pinagdadaanan mo.

“Basta, don’t give up. Never stop learning. Never stop believing in Him. Go lang ng go. Sabi nga ni Rufa Mae (Quinto), go go go,” masayang pahayag ni Kim Chiu.

Salamat kina Adrian Crisanto at pati kay Jonathan Manalo ng Star Records na napaka-cooperative nila sa amin tuwing niri-request kong tugtugin ang naturang kanta sa aming radio program sa DZRH.

Gabbi naka-move on na kay Ruru

Dahil sa napapanood ngayon ang Encantadia pagkatapos ng 24 Oras, muling nabalik ang interes ng mga manonood sa naturang telefantasya ng Kapuso network. Ang dami ngang natuwa nang mag-reunion sila sa FB live chat ng All-Out Sundays nung nakaraang Linggo na kung saan nagkaharap-harap muli roon via Zoom sina Ruru Madrid at Gabbi Garcia. Nandun din sa kanilang reunion sina Glaiza de Castro at Sanya Lopez. Nag-host ng segment sina Paolo Contis  at Michael V.

Merong mga tanong na kailangan nilang sagutin o aminin, at isa roon ay iyung tanong kung sino ang nakahalik sa kili-kili nino.

Parang natulala sina Sanya at Glaiza na tila hindi nila alam na may ganung drama.  Napatalikod si Ruru, at natatawa si Gabbi na tinanong kung si Mikee Quitos na co-star din nila sa Encantadia ang source nito.

Sabi ni Gabbi, napagtatawanan na lang nila ang kanilang nakaraan dahil pare-parehong nasa mabuting kalagayan na sila ngayon.

Pareho na nga silang nakapag-move on at mukhang masaya na rin naman sila sa kani-kanilang lovelife.

vuukle comment

KIM CHUI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with