^

PSN Showbiz

KC may sakit pa rin sa ovary!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
KC may sakit pa rin sa ovary!
KC
STAR/ File

Meron palang sakit si KC Concepcion kaya fluctuating ang timbang niya. May connection ito sa uterus - PCOS (Polycystic Ovary Syndrome) ang sakit naiyon na nagiging dahilan kung bakit minsan tumataba siya, minsan naman ay payat  siya.

Gusto pala ni KC na maayos muna iyon bago siya tuluyang bumalik sa showbiz para naman mas maganda na siya physically at perfect na ang body pag humarap sa camera.

Mabuti naman pero talagang mas maganda nga ‘yung healthy ka at wala kang aalalahaning sakit pag nagsimula ka nang magtrabaho.

Lagi namang welcome si KC sa showbiz kahit na anong oras na gustuhin niyang bumalik.

Mga OFW dilubyo ang dinaranas

Naaawa na talaga ako sa mga OFW na hindi makauwi sa mga probinsiya nila dahil sa tagal ng proseso ng covid test na ginawa sa kanila, plus hindi rin agad makapag-provide ng mga transpo para sa pagbalik nila sa mga probinsiya nila.

Naku, kahit merong donor fatigue ang karamihan dahil sa tambak na fundraising na ginagawa, talagang balak ko nang lapitan ang mga rich Asian friends ko na puwedeng mag-sponsor ng kahit tig-dalawa man lang na tourist bus bawat isa para lang maihatid na ang mga OFW na sabik na sabik nang makita ang mga pamilya nila.

Hindi pa rin kasi bumabalik sa normal ang transportation sa maraming probinsiya at wala pa ring regular flights kaya grabe na ang frustrations ng mga umuwing OFW.

Naku totoo, promise, pag hindi pa sila naihatid tatawagan ko na sina Mama Alice Eduardo, Mama Susan Co, Mang Erning Lim, Cris Roque, Dra. Vicki Belo, Papa Albee Benitez, Joey Santos ng House of Obagi, Papa Manny Villar, Cong. Ronnie Ong, at marami pang iba noh. Tig-dalawang tourist bus lang iyan kaya madali na akong makakahingi.

Awang-awa na kasi ako sa kanila hah, pauwiin na natin, pati pamilya nila, sad na sad na.

vuukle comment

KC CONCEPCION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with