^

PSN Showbiz

Melai at Jason nagkakainitan ngayong ECQ

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Melai at Jason nagkakainitan ngayong ECQ
Melai at Jason

Noong Biyernes ay nagsimula na sa oks.abs-cbn.com ang Confessions with the Momshies  na bagong programa nina Jolina Magdangal, Karla Estrada at Melai Cantiveros.

Iba’t ibang klaseng kwentuhan ang matutunghayan ng mga manonood tuwing Biyernes kasama ang tatlong Magandang Buhay hosts. “Dito sa Confessions with the Momshies, napakalawak na nang pwede nating pag-usapan under the sun. Kaya naman ‘yung pinakatatago n’yong sikreto, nararamdaman n’yong sama ng loob, lalo na ngayong panahon ng quarantine, pwede n’yong ilabas dito,” nakangiting pahayag ni Melai.

Mahigit dalawang buwan nang nasa bahay na lamang nakapagtatrabaho ang aktres dahil sa pagpapatupad ng community quarantine sa Luzon.

Ayon kay Melai ay mayroong mga pagkakataon na nag-aaway na sila ng asawang si Jason Francisco dahil palagi silang magkasama. “Talagang itong quarantine, di maiiwasan na magkainitan kayo. So hanggang sa mag-away na kami. Walkout na ako, nag-away na kami. Pero naging okay naman in the end. Natulog lang nang hindi magkatabi ng ilang days. Charing lang! So ‘yon ‘yung confession ko,” pagbabahagi ng aktres.

Darren, kinokopya ng kapatid

Bilang pagdiriwang ng kanyang ika-19 na kaarawan ay isang digital concert ang ginawa ni Darren Espanto noong Linggo. Kahit kasalukuyang nasa Calgary, Canada ay ninais ng singer na makalikom ng pondo sa pamamagitan ng D’ Birthday Concert From Home para makatulong sa Pantawid ng Pag-ibig ng ABS-CBN. Mahigit P526,000.00 ang nalikom mula sa naturang benefit concert kaya maraming kababayang apektado ng covid-19 pandemic ang matutulungan nito. “Nakaka-miss mag-live shows pero sana matapos na po itong pandemyang ito. So we can go back to doing those things kasi nami-miss ko na rin makita kayong lahat. That’s something that I always think about. Kung paano at kailan kaya tayo makakabalik sa normal. I’d say na malungkot at nakaka-worry din po ang mga directly hit by this pandemic, ang mga nawalan ng mga mahal sa buhay at pati ang mga nawalan ng trabaho of course. Wala pa ring mass testing and padami nang padami na ang bilang ng nagkakasakit especially covid. ‘Yan talaga ang nag-drive sa amin para gawin ito sa paraan na kaya nating magawa,” pagbabahagi ni Darren.  

Parehong registered nurse ang mga magulang ng singer kaya frontliners ang mga ito sa isang ospital sa Canada. Ayon kay Darren ay gumagawa pa rin ng paraan ang kanilang buong pamilya para makapag-bonding kahit na delikado ang kanilang sitwasyon. “We still practice strict hygiene, ‘yung tamang paghuhugas ng kamay and even ‘yung social distancing. But in spite all that, we still find a way to bond. I even had to do self-isolation for two weeks pagdating ko dito sa Canada. Kasi nga protecting ourselves is also protecting the people around us, who we love. That’s also protecting the dreams that we all have. In line with that dream ay ang dreams and ambitions ng ating mga mahal sa buhay,” paliwanag niya.

Bukod kina Gary Valenciano at Moira dela Torre ay nakasama rin ni Darren sa katatapos pa lamang na digital concert ang nakababatang kapatid na si Lynelle. Ayon sa singer ay talagang iniidolo siya ng kapatid kaya talaga namang ginagaya nito ang kanyang mga ginagawa. “Napakadami niyang gustong gawin talaga. Ever since she was little, she’s been copying me when I perform. I’d say she’s my best friend din. And she’s been pur­suing those dreams intensely,” kwento ng singer. Reports from JCC

vuukle comment

MELAI CANTIVEROS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with