^

PSN Showbiz

Hayden, Vicki at Scarlet nag-enjoy sa lockdown

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Hayden, Vicki at Scarlet nag-enjoy sa lockdown
Hayden, Scarlet and Vicky

Pag nakikita ko ang IG story nila Dr. Hayden Kho, Dra. Vicki Belo at Scarlet Snow, parang ang saya-saya nilang pamilya.

Parang puno ng love ang bahay nila. Kaya siguro lumalaking confident at very smart si Scarlet dahil sa napi-feel niyang love around her.

Nakakatuwa dahil parang saksi naman tayong lahat sa love story nina Hayden at Vicki at alam natin kung bakit naging very special ang wedding nila sa Paris.

Sana forever ang happiness na ito dahil nasaksihan nating lahat how they really fought for their love, at napakagandang bata ni Scarlet na sure na lalaking isang celebrity.

Happiness forever sa buhay nila Hayden, Scarlet at Vicki.

Grab, Lalamove riders atbp. pinadali ang buhay sa ECQ

Buti na lang at merong mga Grab at Lalamove riders kaya parang hindi naging mahirap para sa atin ang mga kailangan natin during the quarantine period.

On time sila, very courteous, mabait, magalang at nakikita mo talaga na meron silang baong alcohol na nilalagay sa kamay bago iabot ang anumang items na hinahatid sa iyo.

Thank you riders at salamat naman at least naging busy sila ngayong pandemic. Inggit nga siguro sa kanila ang mga driver kasi sila ang mas merong trabaho ngayon. Bongga.

Kris parang sasali sa beauty pageant ang workout

Pag napanood mo Salve, ang mga ginagawang exercise ng mga artista habang nasa quarantine, tiyak na pag lumabas na sila, ang gaganda na ng mga katawan nila. Parang lahat ay pagpapaganda ng katawan ang pinagkakaabalahan at inatupag  kaya sure ako buff na buff at physically ok ang mga kondisyon nila.

Sina Kris Bernal at Valeen Montenegro na parang akala mo sasali sa beauty contest ang regimen sa pagpapaganda ng katawan. Pero ok din iyan, sabi nga sound body, sound mind. Sabay na nag-go-grow iyan pag ginawa mong body exercise.

vuukle comment

HAYDEN KHO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with