^

PSN Showbiz

Jake mukhang lesbian pa rin

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Jake mukhang lesbian pa rin
Jake
STAR/ File

Lesbian na lesbian pa rin ang hitsura at boses ni Jake Zyrus sa kanyang YouTube account.

Hindi siya nagmukhang lalaki kahit may kaun­ting balbas at nag-i-inject ng male hormone.

Pero ang isang napansin ko lang nang mapanood ang I’ll Be Home version niya, hindi pa rin siya maka­birit though parang hindi naman siya nagpipigil.

MYX awards 2020, virtual na gaganapin

Tuloy pa rin ang paghahari ng musika kahit sa panahon ng pandemya, kaya naman itinuloy ng MYX Philippines sa mga angat na musical talent ang MYX Awards 2020.

Sa unang pagkakataon, virtual ang magaganap na awards ceremony, kung saan bida pa rin ang musika sa pagsasama-sama ng mga artist at pagbibigay-saya sa mga Pinoy na naka-lockdown sa gitna ng kinakaharap na problema.

Ngayong taon, nanguna muli ang rock/funk band na IV of Spades na may anim na nominasyon, kabilang na ang Artist of the Year. Nominado rin bilang Music Video of the Year, Urban Video of the Year, at Song of the Year ang kanta nilang “Come Inside of My Heart” habang lalaban naman sa Rock Video of the Year at Collaboration of the Year categories ang kanta nilang “Nagbabalik” kasama si Rico Blanco.

Anim din ang nominasyon ng rapper na si Shanti Dope. Apat dito ay para sa kolaborasyon niya kasama si KZ Tandingan na “Imposible,” kabilang na ang Music Video, Song, Urban Video, at Collaboration of the Year. Ang single niya namang “Amatz,” ay nominado para sa Music Video at Urban Video of the Year.

Samantala, nominado naman si Moira Dela Torre, na kamakailan lang ay inilabas ang album niyang “Patawad,” sa limang kategorya na pinangungunahan ng Artist of the Year. Ang Himig Handog 2019 Best Song na “Mabagal,” na in-interpret niya kasama si Daniel Padilla, ay nominado bilang Song of the Year at Mellow Video of the Year. Lalaban din ito para sa Collaboration of the Year award kasama ang kanta niyang “Patawad, Paalam,” na inawit niya kasama si I Belong to the Zoo.

Nakakuha naman ng tig-tatlong nominasyon ang folk/pop band na Ben&Ben at ang Filipino boy band na SB19, kabilang na ang Artist of the Year at Song of the Year para sa mga kanta nilang “Pagtingin” at “Go Up.”

vuukle comment

JAKE ZYRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with