^

PSN Showbiz

Kumpirmado na Sam at Catriona matagal na ang relasyon!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Kumpirmado na Sam at Catriona matagal na ang relasyon!
Catriona
STAR/ File

Hindi na bago ang issue kina Sam Milby and former Miss Universe Catriona Gray.

Bago nagkaroon ng lockdown ay may nag-confirm na source, na malapit sa kanila : “Salve it’s Sam Milby and Catriona.”

Last January din ay may nag-send sa amin ng photos nina Catriona and Sam na magkasama sa out of town.

The other day nga ay sinasabing aamin sila sa isang Facebook live ng management group nilang Cornerstone, pero puro pahaging lang ang naganap sa dalawa nang batiin ni Catriona si Sam ng Happy birthday na hindi naman naitago ang kaligayahan sa surprise birthday greeting ng beauty queen at nasabi niyang “Yes, you are very special. Very special” pero walang klarong declaration ng kanilang relasyon.

Huling karelasyon ni Catriona ay ang aspiring actor na si  Clint Bondad habang si Sam ay ang model / TV host / blogger na si Mari Jasmine na girlfriend na ngayon ng LGBTQ member / director na si Samantha Lee.

Samantala, habang sinusulat namin ito ay nag nag-post si Sam ng photo nila ni Catriona at ayun na nga inamin na niya. “Worth every second of the wait. Most special birthday yet.”

Petition ng kapamilya, sumipa na sa mahigit 1 million

Lumampas na sa 1 million (1,038,516) ang Ibalik Ang ABS-CBN Petition kahapon nang silipin ko.

Nakasaad sa nasabing petition ang panawagan ng mga nagtatrabaho sa network na talakayin na at ipasa ang renewal ng kanilang prangkisa ng Kongreso.

“Naniniwala po kami na mananaig sa inyo ang malasakit sa aming mga Manggagawa at pakikinggan ang aming panawagan para sa kapakanan ng lahat,” ang bahagi ng kanilang petition.

Last May 22 lang nag-umpisa ang nasabing petition.

Noon kasing magkaroon sila ng unang petition, last January, ang National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) ang nag-initiate. Kaya siguro hindi nakakuha ng isang milyon.

Pero itong latest petition nila ay mabilis umandar dahil mismong ang ibang Kapamilya stars na ang nag-share sa social media. Ito lang ‘yung mga artista nilang hindi takot mag-share.

Mapapansin kasing may mga pinasikat ang ABS-CBN na playing safe sa pagsasara ng kanilang network na nagpasikat sa kanila at ayaw mag-comment pag tinatanong tungkol dito.

Since May 5 ay off the air na ang ABS-CBN at wala pang klarong balita kung aabot ang franchise renewal bago magkaroon ng break ang congress.

Mga online mass mas maraming nanonood kesa mga fundraising ng mga artista / singer

Mas marami na ang live viewers ng digital mass kesa sa mga nanonood sa ibang digital chikahan / catching up / concert ng mga celebrity.

Kaya baka mas malaki na rin ang donations na natatanggap ng ibang simbahan tulad ng Manila Cathedral kesa sa ibang artista o singer na nagpa-fundraising online.

Though iba ito sa level ng mga sikat na tulad nila Vice Ganda, Regine Velasquez and Sharon Cuneta.

Bukod sa naging mas prayerful na ang karamihan sa atin dahil nga sa nangyayaring  pandemic, malamang napagod na rin ang iba na mag-donate sa rami nang fundraising umpisa noong March.

vuukle comment

CATRIONA GRAY

SAM MILBY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with