^

PSN Showbiz

‘Back to basic’

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
�Back to basic�
Mr. Fu, Lolit and Cristy

Inaasahan ko na after nitong pandemic baka back to basic na lahat. Kasi para bang after this experience, bigla nakita mo na hindi pala ganun ka-importante iyon mga mamahaling bagay na binili mo.

Saan mo idi-display iyon mga signature bags and shoes, iyon designer clothes, iyon mga kung anik-anik na binili mo nang napakamahal na all of a sudden, heto at parang wala nang worth. Pati nga transpo, bigla mas maganda pala na alam mong mag-bisekleta o mag-motor kesa mag-kotse, ang dami mong discovery na kaiba sa dati mong ginagawa.

Hay naku, eye opener siya talaga.

‘Iba pa rin pag binabasa ang balita sa diyaryo’

Ewan ko ba Salve pero talagang hard copy pa rin ng diyaryo ang gusto kong basahin. Hindi ko pa rin makasanayan iyon pagbabasa online o talagang mas gusto ko na may hawak na diyaryo.

Natutuwa nga ako dahil merong kopya ng PSN (Pilipino Star NGAYON) at PM (Pang Masa) pati Philippine Star sa istasyon ng gasolina dito sa malapit sa amin kaya nakakabili ang kasama ko sa bahay na si Mel.

Iba pa rin iyon binabasa mo iyon balita mula sa diyaryo mismo at hindi sa gadget.

Kaya sana patuloy lang ang imprenta ng diyaryo at huwag sa online lang.

Mr. fu pang-action star ang totoong pangalan

May kuwento na naman ako Salve tungkol sa delivery ng food sa akin.

Hindi ba bilin ko kay Mel basta hindi ko kilala ang nagpadala huwag tanggapin ang padala lalo na pag pagkain? Kaya nga dahil alam na ito ni Atty. Ferdie Topacio kaya tumatawag muna siya bago ipadala ang food para alam ko hah hah.

Ito na, merong nag-deliver ng 2 box ng designer yema hopia. Tinanong ni Mel ang pangalan ng sender, sinabi sa akin, sabi ko hindi ko kilala. So ibinalik dun sa rider, siyempre ayaw ng rider dahil hindi siya babayaran pag hindi niya na deliver iyon dala niya ‘di ba kaya pilitan sila ni Mel, tawag sa opisina ang rider, sinabi na kasama ko raw sa show ang nagregalo. Tanong ni Mel, si Cristy Fermin? Hindi raw, may sinabing pangalan na machong-macho ang tunog, ‘sino iyon ?’ Sinabi sa akin ang pangalan, hindi ko pa rin ma-recall, tawag uli ang rider, ‘iyon daw bakla na kasama sa show’ hah hah hah. Si Mr. Fu pala na ang real name ay Jeffrey Espiritu na parang pang action star kaya imposible kong ma-recall.

Grabe, ang sarap ng hopia ha, iba-ibang flavor, kasi naman Mr. Fu na lang sana agad ang sinabi eh, iyon pang action star na name pa ginamit, hah hah hah. Ayan tuloy.

vuukle comment

LOLIT SOLIS

MR. FU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with