^

PSN Showbiz

Janine sa 2023 pa makakabiyahe sa Switzerland!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Janine sa 2023 pa makakabiyahe sa Switzerland!
Janine Gutierrez

Sa pagtatapos ng enhanced community quarantine, looking forward si Janine Gutierrez na makapag-travel muli at isa raw sa mga bansang nais nitong puntahan ay Switzerland.

Gusto raw ni Janine na balikan ang naturang bansa upang personal na mapuntahan ang mga lugar na pinag-shoot-ingan ng kinababaliwan niyang South Korean drama series na Crash Landing On You. “I wanna go back to Switzerland, kung saan nagkita si Captain Ri saka si Yoon Se Ri. Gusto kong pumunta doon,” saad ni Janine.

Bukod sa Switzerland, nais din daw ni Janine na bumisita sa Croatia at sa Amerika, partikular sa Los Angeles kung saan mayroon siyang mga kamag-anak.

Pero malabo pa nga siguro itong matupad ni Janine dahil ayon mismo sa International Air Transport Association (IATA) inaasahang hindi magiging normal ang international air travel hanggang sa taong 2023.

Ayon pa sa article na lumabas sa standard.co.uk, sinabi ng chief economist ng AITA na “Covid’s effects on air travel are certainly going to last a number of years with no quick rebound to 2019 levels.”

Ayon pa sa nasabing article, baka nga hanggang 2024 pa ito base sa kanilang setback scenario.

Kaya asahang matatagalan pa talaga ang paghihintay ng mga may bucketlist.

vuukle comment

JANINE GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with