^

PSN Showbiz

Nagmura, may premyo: Babae nagka-P15K nang tawaging 'gago' si Willie Revillame

James Relativo - Pilipino Star Ngayon
Nagmura, may premyo: Babae nagka-P15K nang tawaging 'gago' si Willie Revillame
Gulat na gulat si WIllie Revillame sa litratong ito nang bigla na siyang murahin ng tinawagang papapremyuhan ng libu-libong piso, ika-18 ng Mayo, 2020.
Video grab mula sa Youtube channel ng "Wowowin"

MANILA, Philippines — Nauwi sa pasensyahan at premyong P15,000 ang pagmumura ng isang babae kay Willie Revillame sa gitna ng broadcast ng "Wowowin" sa GMA-7, Lunes.

Napagkamalan kasing "prank caller" ng contestant si Willie nang biglang tumawag sa telepono kaugnay sa "Tutok to Win" segment ng "Wowowin" kahapon.

"Gago!" sigaw ng babae habang hindi alam na naka-televise na at kausap ang tanyag na TV host at komedyante.

"'Wag niyo akong murahin! Si Willie Revillame ito!" tugon naman ng aktor sa contestant na panay ang sorry. 

Dahil nahaharap sa alanganing posisyon, naghanap tuloy si "Kuya Will" ng paraan upang mailayo ang paksa sa pagmumura ng natawagan.

Agad kumabig ang host at binago nang bahagya ang sinabi ng nakausap, na kinilala sa pangalang "Alexis."

"Dahil sinabi mong gwapo ako, [heto ang] P10,000!" tugon ni Willie, na bigla na lang lumabas sa bintana para sumigaw.

"Alam niyo natutuwa ako dito eh... Dahil nagwapuhan ka sa akin, 'yung P10,000 dadagdagan ko ng five. Meron kang P15,000!"

Agad na nag-viral ang sari-saring kuha ng video sa social media. Biro tuloy ng ilang netizens, baka mas malaki ang papremyo kung mumurahin ng mas malutong ang TV host.

vuukle comment

CASH PRIZE

WILLIE REVILLAME

WOWOWIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with