^

PSN Showbiz

Ngayon lang na-realize Christopher, damang sa pila sa hospital nagka-COVID!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Ngayon lang na-realize Christopher, damang sa pila sa hospital nagka-COVID!
Christopher

Kahit maayos na ang kalagayan ngayon ni Christopher de Leon ay hindi pa rin matukoy ng aktor kung saan at paano siya nagkaroon ng COVID-19. Matatandaang isa ang beteranong aktor sa mga unang artistang nakaranas ng naturang respiratory disease.

“I even think na no’ng I went to the hospital, I was like, ‘Wow! Baka doon ko nakuha.’ There were so many people lining up for the test. It took me the whole day. Hindi ito ‘yung special treatment because of who I am. I had to wait, tapos may mga test kits na hindi dumating. So I had to wait for the next batch. It took me the whole day for that test,” kwento ni Christopher.

Maging ang asawang si Sandy Andolong ay nagulat nang lumabas ang resulta sa isinagawang mga pagsusuri sa aktor. Ayon kay Sandy ay talagang nakaramdam siya ng pangamba nang magpositibo ang asawa sa COVID-19.

“I felt worried for him kasi nga ang feeling ko, he’s the anchor of the family. You feel na huwag siya, ako na lang. pero no’ng nag-negative ako, I was really happy when I called him and told him na may test came out negative. Umiyak siya,” pagbabahagi ni Sandy.

Ayon kay Christopher ay mas napalapit siya sa Panginoon noong mga panahong nasa ospital siya dahil sa karamdaman.

“I was very prayerful. My prayers were more intense. ‘You gave me this. You have a purpose, go ahead.’ It’s more of, just please spare the others. I think this will be an important reminder that after this, it should be a different life. Kailangan magkaroon ng purpose itong nangyayari sa ating ito,” dagdag ng beteranong aktor.

Na-overcome na ang insecurities

‘I love my legs - Kathryn

Kamakailan ay naging trending sa Twitter ang #SakangSiKathryn na tumutukoy sa pagiging sakang umano ng mga binti ni Kathryn Bernardo.

Naglabas naman ng kanyang reaksyon ang aktres sa sariling YouTube channel na Everyday Kath tungkol sa mga sinasabi ng online bashers.

“Ang daming time talaga ng bashers. But ngayon talaga hindi na ako naba-bother. Alam n’yo, over the years natutunan kong tanggapin ‘yung legs ko. Yes, it’s not straight. Parang parentheses ‘yung sinasabi nila. But wala, parte siya ng pagkatao ko,” bungad ni Kathryn.

Aminado ang dalaga na nakaramdam siya ng insecurity sa mga binti noon pero nalampasan niya ito dahil na rin sa tulong ng kasintahang si Daniel Padilla.

“So through DJ, na-overcome ko ‘yung insecurity ko about my legs. Ngayon as in kahit anong tayo ko ganyan. Kasi na-realize ko, lahat tayo merong imperfections. So siguro nagkataon sa akin because binigay sa akin ni God ‘yung legs ko. Anong gagawin ko? Eh di nagwo-work out ako para ma-exercise siya. And tatanggapin ko siya kasi hello, di naman ako makukulong sa pagkasakang ko. So I love my legs and si DJ love din legs ko, so come on, you kiss my fuckin’ legs,” nakangiting paglalahad ng aktres. Reports from JCC

 

vuukle comment

CHRISTOPHER DE LEON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with