^

PSN Showbiz

Male personality, kumpirmadong wala nang babalikang benefactor

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Siguradong isinusumpa ng isang male personality ang dalawang buwan nang enhanced community quarantine dahil masyadong naapektuhan ang kanyang kabuhayan showcase nang dahil sa lockdown.

Pinaghigpitan ang lahat. Bawal lumabas ng bahay, sarado ang mga malls, pati ang bangko ay bibihira lang ang nagbubukas.

Kuwento ng aming source, “Talagang apektado ang male personality na nakasandal lang palagi sa gay benefactor niya! Wala siyang pakialam sa talent fee niya kung maliit lang, dahil nand’yan naman ang kanyang azucarera de papa na palaging nakaayuda sa kanya.

“Pero dumating ang ECQ, sino ba ang mag-aakalang darating pala ang ganitong indulto? Wala siyang work, walang talent fee na pumapasok sa kanya, nahirapan pa siyang makapaglambing sa gay benefactor niya, kasi nga, may lockdown!

“Paano siya mapadadalhan ng datung, paano makararating sa kanya ang biyaya, e, napakahirap nga ng communication! So, daot na daot ang male personality!

“Mabuti na lang at may natitira pa sa mga huling ayuda sa kanya ng gay benefactor niya, dahil kung naubos niya agad ‘yun, e, siguradong nganga ang aabutin ng family niya!” madiing kuwento ng aming source.

Pana-panahon nga lang ang mga bagay-bagay dahil kahit matapos na ang lockdown ay mukhang wala na ring mga biyayang aasahan ang male personality mula sa kanyang gay benefactor.

Patuloy ng aming source, “Nganga na siya, kasi, nabuking na nu’ng karelasyon ng karelasyon niya ang namamagitan sa kanila! Malaking gulo ang nangyari!

“Lumipad na ang pag-asa ng male personality, hawak na nu’ng karelasyon ng gay benefactor niya ang lahat-lahat! Pati ang bank book nu’ng karelasyon niya, e, hindi na siya ang mayhawak!

“Paano na ang kabuhayan showcase ngayon ni male persona­lity? Hahanap na lang siya ng ibang mapagkukunan niya ng mga panggranatsa niya!

“Wala na siyang aasahan ngayon sa spoiler niya, kaya look na uli siya ng iba, tutal naman, e, kilalang-kilala na siya ng mga kasamahan niya nu’ng pasali-sali pa lang siya sa mga male contest!

“May kaagaw na siya ngayon sa mga biyaya, kaya humanap na lang siya nu’n wala siyang makakaagaw, sa totoo lang!” nakataas pa ang kilay na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Pambabarubal sa ibang pulitiko napansin ng NBI, Mocha lumuwag na ang kapit kay Pangulong Duterte!

Nakapagtataka nga naman kung bakit ngayon lang binigyan ng pansin ng NBI ang pagpapalaganap ng mga fake news ni Mocha Uson.

Napakatagal na siyang tinutuligsa sa mga balitang peke na pinalulutang niya pero ngayon lang siya inimbitahan ng NBI para magpaliwanag.

Dahil ba sa lumuwag na ang kapit niya sa pangu­long ipinaglalaban daw siya nang patayan? Dahil ba sa nasunog na rin ang mga ahensiyang ipinagkatiwala sa kanya?

Nu’n pa dapat inaksiyunan ang mga ginagawa niyang fake news, pati ang sobra-sobrang pambabarubal niya sa mga pulitikong hindi niya kakampi, kaya bakit ngayon lang?

Sumobra ang paggamit nu’n ni Mocha sa kalayaan sa pamamahayag, kahit sino na lang ay binibimbang niya, dahil ang pakiramdam nga niya ay napakalapit lang niya sa kusina ng Malacañang.

Wala siyang kinatatakutan, pati ang mga nananahimik na pulitiko ay binubulabog niya, napakalawak nu’n ng naaabot ng kanyang mga kamay.

Tingnan natin ngayon kung may magdedepensa sa kanya, tingnan natin kung kikilos ang kanyang mga alipores, abangan natin kung ano ang kahihinatnan ni Mocha Uson sa mga palusot na gagawin niya.

New normal hindi na normal

Simula na ng sinasabing new normal nating pamumuhay. Pero mahirap bigyan ng eksaktong pakahulugan ang bagong kalakaran na kailangan nating yakapin.

Marami pa ring bawal. May mga magbubukas na establisimyento pero limitado lang. Wala pa ring pampublikong transportasyon. Ang malinaw lang ay bawal lumabas ng bahay nang walang suot na face mask.

Sa loob nang dalawang buwan ay napakalaki ng naging epekto at binago ng coronavirus sa ating buhay. Biglang bumaligtad ang ikot ng mundo.

Good luck na lang sa ating lahat kung paano natin sasayawan ang new normal na pamumuhay natin. Bago nga pero hindi normal.

Sabi nga ni prop, “Bahala na si Batman!”

vuukle comment

ECQ

MOCHA USON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with