^

PSN Showbiz

Kathryn nakawala sa trauma, lumalaban na sa nangyayari sa kapamilya

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Kathryn nakawala sa trauma, lumalaban na sa nangyayari sa kapamilya
Kathryn Bernanrdo
STAR/ File

Natakot pala si Kathryn Bernardo na ma-bash-bash din kaya hindi  agad siya agad nagsalita tungkol sa pagpapasara sa ABS-CBN na nagbigay sa kanya ng ‘superstar’ status.

“Kasi noong huling beses na ginamit ko ang platform ko sa usaping pulitika, hindi naging maganda ‘yung nangyari. Naging traumatic ‘yung experience ko noon. Kagaya po ng nararanasan ng ibang mga artista na nagsalita, ang daming pag-atake. Ang daming sinabi hindi lang sa akin, pati sa pamilya ko,” pahayag niya sa video message sa Instagram account niya.

“Pero ngayon, nandito ako kasi pakiramdam ko kailangan. Pakiramdam ko, kahit walang kasiguraduhan na maririnig ‘to, at least may ginawa ako. Pakiramdam ko, kailangan ko maging boses ng iba. Kaya nandito ako. Pinipili ko magsalita kasi nagpatong-patong na ‘yung mga dahilan,” saad niya pa.

Maalalang matindi ang natanggap nilang bashing ng real life loveteam na si Daniel Padilla nang i-endorse nila noon si former Senator Mar Roxas na kumandidatong president.

Ngayon ay parang palaban na si Kathryn at nagsasalita na sa issue ng pulitika. “Sa mga kabataan, sana huwag kayong matakot. Kasi kagaya niyo rin ako, natakot ako. Pero kung hindi kasi tayo magsasalita ngayon, sino? Tayo ‘yung magmamana ng Pilipinas, kaya may karapatan tayo.”

Ang pelikula ni Kathryn at Alden Richards ang may hawak ngayon ng highest-grossing Filipino Movies of all time matapos itong kumita ng mahigit isang bilyon.

OFW ang role niya sa nasabing pelikula na ilang beses pa niyang nabanggit sa kanyang video message.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with