^

PSN Showbiz

Ara Mina nag-donate ng isang trak na bigas sa mga apektado ng lockdown

James Relativo - Philstar.com
Ara Mina nag-donate ng isang trak na bigas sa mga apektado ng lockdown
Trak na puno ng bigas na kanilang idineliver sa Lungsod ng Quezon, Caloocan, probinsya ng Laguna, Rizal at Angeles sa Pampanga.
Mula sa Instagram account ni Ara Mina

MANILA, Philippines — Problema ngayon ang ayuda't makakain sa maraming lugar buhat ng enhanced community quarantine (ECQ) at general community quarantine (GCQ), dahilan para magmagandang loob ang aktres na si Ara Mina.

Aniya, ginawa niya ito kasama ang #TEAMDARVE sa ika-apat na linggo ng ECQ, dahilan kung bakit hindi pa rin makapagtrabaho ang marami bilang pag-iingat sa pagkalat ng novel coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Pupunta ang kanilang tulong sa Lungsod ng Quezon, Caloocan, probinsya ng Laguna, Rizal at Angeles sa Pampanga — marami diyan ay ilalagay sa modified ECQ pagsapit ng Sabado.

"Ang munting tulong na ito ng aming #TEAMDARVE ay sana malayo ang marating," sabi niya sa kanyang Instagram post, Miyerkules.

"Salamat sa lahat ng LGU’S at volunteers na tumulong sa pamamahagi ng aming nakayanan. Kaya natin ito! Tulong-tulong tayo!"

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by ?? ?????? ???????? ?? (@therealaramina) on

Ika-11 ng Mayo nang sabihin ng Malacañang na ititigil na nila ang pagbibigay ng ayuda sa mga GCQ areas, na bagama't "low" o "moderate" ang risk levels, ay puno pa rin ng mga manggagawang hindi pinapayagan magtrabaho.

Anim na araw pa lang ang nakalilipas nang mamigay sina Ara ng gatas at choco drink para sa ilang bata sa Caloocan at Malabon, sa tulong na rin ng Goodwill Heart Foundation.

Abril naman nang naging busy si Ara sa pamimigay ng tulong mula sa grupo ng mga hikers sa mga nasunugan ng tirahan sa baranggay 132 sa Lungsod ng Caloocan.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by ?? ?????? ???????? ?? (@therealaramina) on

vuukle comment

ARA MINA

DONATION

LOCKDOWN

NOVEL CORONAVIRUS

PANDEMIC

RICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with