^

PSN Showbiz

Toni, limitado na ang pagtambay sa social media

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Toni, limitado na ang pagtambay sa social media
Toni
STAR/ File

Ayaw din pumatol sa bashers at trolls

Aminado si Toni Gonzaga na hindi siya aktibo sa social media lalo na nang nagkaroon ng sariling pamilya. Sa halip na ubusin ang oras sa pagpo-post online ay itinutuon na lamang ng aktres ang kanyang panahon para sa kanyang mag-ama. “Talagang minsan na lang din ako mag-IG (Instagram). I guess it’s part of being a mom lalo na ngayon na lagi lang akong nasa bahay. So less lang ‘yung life ko on social media. More ‘yung life ko on real life. I’m living the moment, mas I’m cherishing the moment. Binawasan ko ‘yung telepono kasi napapansin ko, na-realize ko na ang dami ko palang oras na ginugugol sa telepono kaysa ginugugol ko ‘yung panahon by being there for Seve. Sometimes as parents, we can be there for our kids physically but we are not emotionally and mentally with them. So ito ang naging decision ko, that I will focus on taking care of Seve,” paliwanag ni Toni.

Naniniwala ang aktres na ang pag-iwas sa social media ay malaki ang maitutulong para sa sarili upang hindi na mapaisip ng mga negatibong bagay. Hindi nawawala ang online bashers na normal nang nagbibitaw ng mga mapanirang salita lalo na sa mga artista. “You let go of the things you can’t control. What you can control is the emotions, your words and your mind and your heart. If you focus on that, you will have peace in your heart kasi alam mo eh. Hindi mo mako-control ang negativity, hindi mo mako-control ang trolls and bashers. They will always be there. I think the key is to not give them the power. If you fight them with words, you allow them to affect you. There are some battles that are not worth fighting for. You just choose your battles wisely and ignore what you have to ignore for your peace of mind and para may peace sa heart. At this point, we do not need any more negativity and any more hatred. Quota na tayo diyan. It’s about time we start spreading more positivity, love,” makahulugang paglalahad ng aktres.

Dimples, humingi ng pasensya sa pagiging emosyonal

Naging emosyonal si Dimples Romana noong Mother’s Day dahil binigyang-halaga ng aktres ang ABS-CBN. Matatandaang ipinatigil ng National Telecommunications Commission ang operasyon ng Kapamilya network dahil sa pagkapaso ng prangkisa nito noong May 4, 2020. “Gusto ko lang po magbigay ng pugay sa aking tahanan, sa inang itinuturing ko dahil sa maraming taon po na nagtatrabaho ako sa aking pamilya para maitaguyod ang aking mga kapatid at ang aking mga magulang, at ngayon po ang aking pamilya. Hindi po ako binitawan ng ina kong ito,” emosyonal na pahayag ni Dimples.

Para sa aktres ay maraming mga bagay ang kanyang natutunan mula sa ABS-CBN dahil sa mahigit dalawang dekada niyang pagtatrabaho sa kumpanya. “Dito ko po natutunan na maging mabuti sa kapwa. Dito ko po natutunan ang tunay na ibig sabihin ng pamilya. Kaya pasensya na po kayo kung nagiging emosyonal kami, ako. Siguro sa sobrang pagmamahal na rin na tinatanaw namin sa aming mga Kapamilya,” giit niya.

Umaasa naman si Dimples na malalampasan ng Kapamilya network ang mga pagsubok sa gitna ng krisis sa bansa dahil sa covid-19 pandemic. “To my ABS-CBN family who has been like a mother to me for the past two decades, hang in there Kapamilya. We will see through this hurdle and we will be with one another. I know na madilim ngayon and alam ko rin po at naniniwala ako, I have faith, na mabibigyan po tayo muli ng pagkakataon. Sama-sama po tayong magdasal sa lahat po ng sumusuporta at nagmamahal, maraming-maraming salamat po sa inyo,” pagtatapos ng aktres. (Reports from JCC)

vuukle comment

TONI GONZAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with