^

PSN Showbiz

Ate Guy, nakikiluksa sa pagsasara ng abs-cbn

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Ate Guy, nakikiluksa sa pagsasara ng abs-cbn
Nora

Isa si Nora Aunor sa mga artistang nakikidalamhati sa pagpapatigil ng operasyon ng ABS-CBN dahil sa pagkapaso ng prangkisa ng Kapamilya network. Matagal na panahon ding naging Kapamilya ang nag-iisang Superstar at ngayon ay nasa bakuran naman ng GMA Network. Sobrang ikinalungkot ng beteranang aktres ang mga nangyari base sa kanyang official statement. “Bilang nagtrabaho rin ako sa ABS-CBN ng marami ring taon mula pa sa radyo hanggang telebisyon ay nakaramdam ako ng lungkot sa pagsasara nito. Nasa GMA man ako ngayon na hindi ako pinapabayaan ay naisip ko ang mga taong maaapektuhan sa pangyayaring ito. Naniniwala ako na sa panahong ito ay dapat magmalasakitan ang bawat isa. Kapuso man o Kapamilya.

“Alam kong maraming mga empleyado ng kumpanya na mawawalan ng trabaho at kawawa ang kanilang mga pamilya na umaasa lang sa network. At sana hindi ito nangyari sa panahong dumadaan tayo sa krisis dulot ng covid-19. Ako ay lubos na umaasa na malalagpasan ng ABS-CBN ang suliraning ito na dumating sa kanila. Sana ay muling makapagtrabaho ang kanilang mga talent, empleyado lalo na ‘yung mga maliliit na manggagawa nila.”

Robi, nagpaliwanag sa pang-ookray sa sb19

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsalita na si Robi Domingo tungkol sa naranasang online bashing mula sa netizens dahil sa pambabastos diumano ng TV host sa SB19 nang mag-guest sa iWant ASAP ang naturang boy band ilang buwan na ang nakalilipas. May mga nagsabing hindi naging maganda ang pagbibiro ng binata sa SB19 sa interview portion ng programa. “When SB19 went to iWant ASAP for the first time, honestly hindi ako dapat magho-host no’n. Pumunta lang ako sa stage because I’ve been hearing lots of things about them. Kasi nga iba ‘yung galaw nila eh. So when I’ve got on stage, kulitan lang because I want them to feel at home and honestly to the people inside the studio they were fine. The SB19 fans, na ngayon ang tawag na ay A’tin, we’re happy with the result of the program. The boys were okay naman. I asked them, ‘Are you guys fine?’ Oo, kuya Robi.’ Tawa sila nang tawa,” paglilinaw ni Robi.

Ayon pa sa binata ay wala siyang intensyon na makasakit ng damdamin ng ibang tao at ang tanging hangarin lamang ay makapagbigay ng kasiyahan sa mga manonood ng kanilang programa. “In all honestly I did not mean to offend the boys. After that we meet up, we saw each other again for a certain pictorial for a show. Backstage I went to them, I apologized, ‘Just in case I’ve hurt your feelings, patawarin n’yo ako that’s not my intention. ‘Ano ka ba kuya Robi, we get it. We get it. Hindi naman kami na-offend.’ I think naklaro na lahat ng issues diyan and para mas maklaro pa, I think I’m a member of SB19 now. I am their Bae-bi. We’re friends now,” nakangiting pagbabahagi ng aktor. (Reports from JCC)

vuukle comment

NORA AUNOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with