^

PSN Showbiz

ABS-CBN, hindi pinagbigyan tulad ng ibang kumpanyang napaso ang franchise

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
ABS-CBN, hindi pinagbigyan tulad ng ibang kumpanyang napaso ang franchise
Solicitor General Jose Calida

First Time Ginawa ng NTC

Hindi kaya parang unfair sa panig ng ABS-CBN ang ginawang papapatigil ng National Telecommunications Commission (NTC) sa operasyon ng network gamit ang cease and desist order dahil napaso na ang prangkisa nito noong Mayo 4?

Ito ay dahil hindi naman pala ito ginagawa noon ng NTC sa ibang kumpanya tulad ng CBCP, Smart, at PT&T na hinayaan nilang mag-broadcast habang wala pang prangkisa.

Ayon sa report ng news.abs-cbn.com, nagpatuloy sa operasyon ang mga naturang kumpanya at hindi nakatikim ng malupit na cease and desist order sa NTC.

“As far as I can recall, this is the first time,” saad ni National Telecommunications Commission (NTC) deputy commissioner Edgardo Cabarios tungkol sa hinaing cease at desist order.

Ano na rin kaya ang nangyari sa mga salitang binitawan ng mismong commissioner ng NTC sa Kongreso at Senado?

Noong Pebrero, maalalang sinabi ni NTC commissioner Gamaliel Cordoba sa Senate hearing na bibigyan nila ng permiso mag-operate ang ABS-CBN habang naghihintay pa ng bagong prangkisa kung sasang-ayunan ito ng Department of Justice. At pinatuyanan naman ni DOJ Sec. Menardo Guevarra ang legalidad nito.

Samantala, sa House committee on legislative franchises hearing noong Marso, muling pinaigting ni Cordoba na bibigyan nila ng provisional authority ang nasabing network. Basta raw walang violation sa NTC rules and regulations, mabibigyan nila ang ABS-CBN ng permit.

“May I assure this committee that, barring a gross violation of its franchise of the NTC rules and regulations, the NTC will follow the latest advice of the DOJ and let ABS-CBN continue operations based on equity,” saad ni Cordoba sa mga kongresista.

Sa cease and desist order ng NTC, wala silang sinaad na naging violation ng ABS-CBN para ipatigil ang operasyon nito. Tanging pagkapaso ng franchise lamang ang naging dahilan nila.

Nasindak kaya ang NTC sa pagbabanta ni Solicitor General Jose Calida noong Mayo 3 (Linggo) na malilintikan sila kung bigyan nila ng provisional authority ang ABS-CBN?

Sana ay sumagi sa isip ng NTC ang milyon-milyong Pilipino na umaasa sa binabalita ng network pati na ang ibinigay na saya nito sa publiko na ngayon ay nasa ilalim ng extended enhanced community quarantine. Bukod pa dito ang 11,000 na manggagawa na nawalan ng trabaho noong Martes (Mayo 5) ng gabi.

Sa ngayon, sinunod ng ABS-CBN ang order ng NTC na itigil ang kanilang operasyon, na siya namang nagdulot ng lungkot at galit sa mga artista nito at tagasuporta.

Hiling ng lahat na maa­yos na agad ang pagbabalik operasyon ng ABS-CBN lalo pa at may malaki silang parte para maayos ang mas malaki nating problema, ang sitwasyon sa COVID-19.

vuukle comment

ABS-CBN

JOSE CALIDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with