^

PSN Showbiz

Komedyanteng si Babajie, patay na talaga

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Komedyanteng si Babajie, patay na talaga
Babajie

Pumanaw na ang komedyanteng si Babajie nung Lunes bandang alas-tres ng hapon, dahil sa sakit na Pneumonia. Iyun ang ibinalita ng mga kamag-anak niya pagkatapos ilang beses na napabalitang pumanaw na.

Nalito nga ang mga kasamahan niya sa Bubble Gang dahil dalawang beses na siyang napabalitang pumanaw na hindi naman pala totoo.

Nung Lunes nakumpirmang bumigay na siya habang nakaratay ito sa San Lazaro Hospital.

Hindi naman daw COVID-19 ang sanhi nang pagkamatay kaya gusto raw ng ina ni Babajie na bigyan ng kahit ilang araw lang na burol sa kanilang tahanan sa Malibay, Pasay City at hindi iki-cremate. Ililibing daw sa Sgt. Mariano Cemetery sa Pasay.

Si Babajie ay si Alfredo Cornejo Jr. sa tunay na buhay at pumanaw sa edad na 35.

Nakikiramay din kami kay Rams David ng Triple A Management dahil sa pagpanaw ng kanyang amang si Timoteo David. Ang kanyang mga labi ay ibuburol sa St. Peter sa Commonwealth, Quezon City.

Yayo umaming nasabik sa laplapan

Ilang araw ding nag-trending ang eksenang laplapan nina Yayo Aguila at indie actor na si Royce Cabrera sa pelikulang Fuccbois na isa sa mga pinag-usapang Cinemalaya entry nung nakaraang taon.

Walang nakaalam kung paano ito kumalat sa You Tube at ang dami ng link na nai-share kaya ang daming nakapanood at pinag-usapan sa social media.

Natatak sa mga nakapanood ang mahigit sampung minutong laplapan nina Yayo at Royce sa pelikulang iyun.

Sandali lang ang partisipasyon ni Yayo sa pelikula, pero isa ito sa pinag-usapan kasabay ng pagkalat ng hubad na litrato nina Royce at Kokoy de Santos.

May memes pang naglabasan na kung saan tinawag na ngang ‘laplap queen’ si Yayo.

Medyo may negative connotation siya. Pero naisip ko, paano naman magalit ako eh totoo namang ganun ang ginawa ko sa eksena. So, I just be proud of what I did kasi tinanggap ko yun, tapos ginawa ko naman ng bukal sa loob ko.

Natuwa lang ako kasi, Oh my gosh naging honorary member ako ng mga kabaklaan.

Grabe yung imagination ng gay community. Grabe yung creativity nila,” bulalas ni Yayo nang nakapanayam namin sa radio program namin sa DZRH nung nakaraang Lunes ng gabi.

Kahit kalat na kalat na ito, hindi pa rin daw ito pinapanood ng mga anak niya, pero todo kantiyaw daw siya sa mga ito.

Hanggang ngayon hindi pa rin nila pinapanood kahit maraming nag-send sa kanila ng link. Kasi unang-una, hindi nila tinu-tolerate ‘yung piracy.

Pangalawa, hindi daw nila kaya kasi awkward daw iyun na pakiramdam bilang nanay nila ako. So, hindi ko rin sila kinukulit. Pero niloloko nila ako rito na tinatawag nila akong Momol Queen, Laplap Queen.

Sabi ko nga sa kanila, guys trabaho lang yan, alam mo naman. Walang personalan yan. Ang importante, nagawa ko yung trabaho ko ng tama, napasaya ko yung director, yung producer at ang importante din maraming naka-appreciate nung buong pelikula,” dagdag na pahayag ng aktres.

Pero aminado rin siya na kaya raw niya nagawa ang laplapang eksenang iyun with Royce dahil sa loveless siya. Kuwento ni Yayo; Meron din sa akin nag-comment na siguro kaya mo nagawa ang matinding scene na iyun kasi sabik na sabik ka makipaghalikan. Kasi po sa totoo lang…oo loveless ako. Alangan namang sabihin ko sabik ako makipag­halikan.

Hindi ako sinungaling oo naman. Pero kaya ginawa ko yun kasi iyun ang eksena, at sinunod ko yung gusto ni direk.

Siguro isang bagay na rin yun, baka nakatulong nga iyun. Naka-motivate nga yun promise, hindi ako magsisinungaling. May factor pa rin yung pagiging loveless ko.”

Pero hindi naman daw ready pa si Yayo sa panibagong relasyon dahil masaya na raw siya sa buhay niya kasama ang mga anak niya, at okay daw ang career niya at inalagaan naman daw siya ng Viva. Kaya parang naka-shut off daw muna siya pagdating sa lovelife.

vuukle comment

BABAJIE

YAYO AGUILA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with