^

PSN Showbiz

Judy Ann natupad ang wish magka-oras sa pamilya

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Judy Ann natupad ang wish magka-oras sa pamilya
Judy Ann
Philstar.com/Jan Milo Severo, File

“Reality bites ngayong ECQ .. naglabasan na mga uban ko.. yung iba kakatubo pa lang, puti na agad??? Sorry guys... hindi kayo dumaan sa adolescent stage. labasan na lang ng mga uban! Sino sasali??,” update ni Judy Ann Santos sa kanyang social media account habang pinapakita ang mga uban.

Pero kahit naglabasan ang mga puting buhok niya, lutang naman ang freshness ng actress at alam mong nakapahinga sa maraming trabaho simula nang magkaroon ng lockdown.

Naalala ko sa last interview namin kay Juday noong December matapos siyang manalong Best Actress sa Cairo International Film Festival, sinabi niyang wala na siyang mahihiling pa sa buhay maliban sa oras sa pamilya.

“Naghahanap na nga ako ng  araw bukod sa Sunday bago mag-Monday. Makasama ko lang ang mga anak ko. Naghahanap na ako ng ganoong bargain.

“Wala na akong gustong hingin / hilingin pa. Oras na lang sa pamilya ko. I’m so blessed and grateful I have people around who guide and support me,” chika niya sa amin last December.

Ngayon ay masasabing sobra-sobra ang oras niya sa asawang si Ryan Agoncillo at dalawang anak. This year sana ay gagawin niya ang biopic ni Mother Lily Monteverde na pinaghahandaan pa naman niya ng husto.

vuukle comment

JUDY ANN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with