^

PSN Showbiz

Yeng, naglabas ng dasal

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Yeng, naglabas ng dasal
Yeng

Inilabas ni Yeng Constantino ang radio edit ng kanta niyang Dasal, na hangaring pagaanin ang loob ng mga tagapakinig sa pamamagitan ng paalala na palaging nandiyan ang Panginoon lalo na sa harap ng mga pagsubok.

“May mga tanong tayo na minsan mahirap talagang masagot. Pero maniwala ka na sa kabila ng pakiramdam mong wala ka nang makakapitan nandun Siya sa tabi mo at niyayakap ka,” paliwanag ni Yeng tungkol sa kanta sa Instagram.

Ang orihinal na bersyon ng Dasal ay kasama sa album na  Synesthesia ni Yeng sa ilalim ng Star Music, at maaaring iugnay sa Bible verse na Isaiah 41:10 (NIV), na nagsasabing, So do not fear, for I am with you; do not be dismayed, for I am your God. I will strengthen you and help you; I will uphold you with my righteous right hand.”

Inilabas na rin ang music video ng Dasal na gamit ang orihinal na bersyon ng kanta.

“Matagal na po namin na-shoot yung video nun pero sobrang napapanahon po ngayon ang mensahe. Sa mga nalulungkot na dyan dahil sa nangyayari satin ngayon yakaaap mula sa’kin sa pamamagitan ng isang kanta. Kaya natin to,” sabi ni Yeng.

Marami naman ang agad nag-comment ng mga postibong mensahe sa music video sa YouTube, kung saan pinuri ng mga netizen ang kahalagahan ng paglalabas ng mga napapanahong awitin sa panahon ngayon.

Lumapit sa kanlungan ng Diyos at pakinggan ang radio edit ng kantang Dasal ni Yeng sa iba’t ibang digital streaming platforms. Panoorin din ang music video nito sa YouTube channel ni Yeng.

vuukle comment

YENG CONSTANTINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with