^

PSN Showbiz

Sisisihin si Neil pag hindi naging cute, Angel ayaw ng ‘pangit’ na anak

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Sisisihin si Neil pag hindi naging cute, Angel ayaw ng �pangit� na anak
Neil & Angel

Naantala ang paghahanda nina Angel Locsin at Neil Arce para sa kanilang pagpapakasal dahil sa enhanced community quarantine na ipinatutupad ngayon sa buong Luzon.

Matatandaang June 2019 nang mag-propose ng kasal ang binata sa aktres. “Ayaw naming isipin na postponed, di ba, kasi iyon ‘yung pinakaimportanteng araw sa amin eh. Nagpahinga nga kami sa mga trabaho namin sana para matutukan namin ‘yung wedding,” pagbabahagi ni Angel sa Regal Movies at Home Facebook live noong Biyernes.

“Kaya lang, ‘pag lockdown pa, hindi naman namin pwede i-risk di ba? Hindi namin alam kung ano ang mangyayari,” dagdag pa ng aktres.

Kung sakaling magkaroon na ng sariling pamilya si Angel ay gusto raw nitong maging kasing cute ng mga anak nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati na sina Zion at Kai ang magiging supling nila ni Neil. “Hindi ko alam, kinakabahan na ako eh pero exciting, exciting din talaga. Sana kasing cute ng mga anak n’yo. Lagot si Neil kapag hindi. Nakakatawa kasi si Neil, ‘yung fiancé ko matagal nang kaibigan ni Chard,” natatawang pahayag ng dalaga.

Zsa Zsa Gustung-gusto nang magtrabaho sa labas

Napapanood pa rin ang ASAP Natin ‘To tuwing Linggo kahit na hindi pa makalabas ang mga tao sa kanya-kanyang bahay dahil sa panganib na dulot ng covid-19 pandemic. Maraming mga gawain ang natutunan ni Zsa Zsa Padilla sa mga gawaing teknikal dahil sa taping na ginagawa linggu-linggo sa pamamagitan ng Zoom. “Sobra ko na-appreciate ang mga technician sa recording studio. Kasi literal na pinagpawisan ako sa pag-aaral kung paano makapag-record. Nahuli na ako ng mga kasamahan ko! Last week na-realize ko na ako na lang ang tunug “bahay” hahaha!” post ni Zsa Zsa sa Instagram.

Inaaral talaga ng Divine Diva sa tulong ng mga kaibigan kung paano makapag-record nang maayos sa sariling bahay. “Kaya buong lakas loob akong nagpaturo sa mga sumusunod: Teacher Annie of Company, Erik Santos at ang aming musical director na si Homer Flores. Pag di ko pa rin maintindihan, consult naman ako sa YouTube. Ayun, sa wakas nakapag-record na din ako!” dagdag ng beteranang singer.

Aminado si Zsa Zsa na talagang hina­hanap-hanap na niya ngayon ang pagtatanghal sa loob ng studio ng ABS-CBN. “So ganun na nga, tuwing taping day namin, lahat kami balik sa simpleng pamumuhay. Walang style team!!! Although miss ko na silang lahat, guys!!! Huhuhu Ako mismo make up artist, hair­stylist, lights man, sound engineer. PA, camera woman, director. Halos lahat ng sulok ng bahay ay nabuhayan at nailawan ko na!!! hahaha! May natitira pang ilang sulok, wag kayong mag-alala. #asapnatinto #home #workfromhome Thanks to @ogiealcasid for my recording equipment!!!,” patuloy ng singer sa kanyang post. (Reports from JCC)

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

NEIL ARCE

ZSA ZSA PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with