^

PSN Showbiz

Maine, ibang-iba na ang hitsura ngayon!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Maine, ibang-iba na ang hitsura ngayon!
Maine

Nabuko sa replays

Ibang-iba pa ang beauty ni Maine Mendoza sa mga replay ng Eat Bulaga na napapanood ngayong ECQ.

At sa totoo lang, ang ganda ng transformation niya mula sa ordinary looking new star hanggang ng maging Yaya Dub siya at ang hitsura niya ngayon.

Napansin mo bang very fashionable si Maine at may flair sa pagdadala ng damit kaya ang ganda niyang maging model. Plus very expressive ang mukha niya at nasa kanya talaga iyon sinasabi ko na air of confidence kahit nung nag-uumpisa pa lang siya sa showbiz. Nakadagdag pa sa kanya iyon meron siyang sariling desisyon kaya siguro iyon mystery niya, na maintain niya.

Tingnan mo, now doble ang happiness niya, dahil andiyan si Arjo Atayde na nagbibigay ligaya sa kanya.

Swak talaga iyon pagiging independent minded ni Maine sa character niya, friendly, pero may distance. Kaya tingnan mo, hindi flash in the pan ang career niya. Tuluy-tuloy lang habang gusto niya. Bongga!!

Lockdown, nakakasawa na!

Siguro Salve pag nag-show uli tayo, medyo parang manga­ngapa pa uli tayo dahil ang tagal ng bakasyon.

At siguro dahil sa tagal na hindi ko natikman mga longganisa nina Tina at Japs ay baka makasampung piraso ako sa pagkain nito.

At curious ako kung anong ginagawa ni Mr. Fu ha, baka dahil nag-iisa siya sa condo unit niya ni-repaint na niya ito.

At si Cristy naman, tiyak na tambak na ang mga bote na ginawa niyang decorative.

Ay naku, ako ang pinakatamad sa lahat, hindi ako na­ging productive during the lockdown, panonood at pag-aayos ng mga gamit na hayun, mas nagulo pa kesa dati. Sa paulit-ulit ko ngang panonood ng mga Koreanovela at old Filipino movies sa TV, kung minsan halo-halo na iyon istorya sa isip ko.

‘Kaloka talaga iyong idle moments natin dahil sa lockdown, nagsawa ako, hahaha, una na-enjoy ko dahil buhay mayaman, kain tulog, watch TV, pero nagkaroon din ng saturation point.

Biglang naiinis na ako at naiinip sa oras. Talagang ang tao walang contentment, hahanap at hahanap pa rin ng rason para sa anuman bagay.

Naku, dapat talaga mentally challenging ang paligid para lagi umaandar ang utak, pero siyempre pag naka-confined ka lang sa isang lugar, meron ding sawa factor. Hay coronavirus, alis ka na please gusto ko na uling maging normal.

vuukle comment

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with