^

PSN Showbiz

Julia hindi iniyakn si Gerald!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Julia hindi iniyakn si Gerald!
Julia

Maraming mga kontrobe­r­siya na ang kinasangkutan ni Julia Barretto at ang pamilya ng aktres. Ayon sa dalaga ay wala naman siyang iniyakan sa mga ito.

Matatandaang nasangkot si Julia sa kontrobersyal na hiwalayan nina Bea Alonzo at Gerald Anderson noong isang taon. “Wala, not that I remember. I was a strong woman. Seryoso, not that I remember, wala pa naman,” pagtatapat ni Julia.

Kahit kailan ay wala rin daw iniwasan ang dalaga sa mga kasamahang artista sa Star Magic. “Sarili ko, as much as possible gusto kong iwasan ‘yung sarili ko,” natatawang pahayag niya.

Si Julia ay isa sa maituturing na showbiz royalty dahil sa mga magulang na sina Marjorie Barretto at Dennis Padilla. Anak naman si Dennis ng sikat na komedyante noong araw na si Dencio Padilla. Pamangkin si Julia nina Gretchen at Claudine Barretto.

Sumikat nga ba si Julia dahil sa talent nito o dahil sa pamilya na kanyang pinanggalingan? “Well sana dahil talented ako pero sa tingin ng bashers dahil Barretto ako,” sagot ng aktres.

Kasal nina Richard at Sarah, over night lang pinaghandaan

Noong March 14 ay itinuloy nina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez ang kanilang kasal. Isang magarbong kasalan ang talagang nakatakda sa naturang petsa pero dahil sa pagkakaroon ng community quarantine sa buong Luzon ay naging simple na lamang ang pag-iisang dibdib ng mag-asawa.

Sa pahayag ni Sarah sa Facebook Live session ng Preview kamakailan ay kinailangan daw na ipagpaliban muna ang engrandeng kasalan dahil sa sitwasyon ng bansa dahil sa panganib na dulot ng coronavirus disease 2019. “It was difficult for us but after gathering all the information and reading the news it was really the best decision to make for everyone’s health and for everyone’s safety. So that day we decided to postpone the wedding,” pagbabahagi ni Sarah.

Aminado ang aktres na ilang taon na rin nilang pinapangarap ni Richard na magpakasal lalo pa’t matagal na rin silang nagsasama sa iisang bubong. Kaya naman nagpasyang ituloy pa rin ang kanilang civil wedding ceremony noong nakaraang buwan. “Kasi we’ve been together for almost eight years and we’ve always wanted to do this. We felt like, ‘You know what, let’s do it pa rin.’ We love each other so much and despite what’s happening, it’s really for us and it’s about time despite what is happening. It literally took one day. It was planned overnight,” paglalahad niya.

Pitong taong gulang na ngayon ang panganay na anak nina Sarah at Richard na si Zion habang dalawang taong gulang naman ang bunsong si Kai. Nagpaplano pa ring ituloy ng mag-asawa ang kanilang engrandeng kasal sa susunod na taon. “We’re in no rush to be in a rush. There’s bigger problems happening right now and we just need to get through this and focus on this new chapter of our lives. The best thing to do now is to stay safe, stay healthy and pray that this will be all over soon,” pagtatapos ng model-actress. (Reports from JCC)

vuukle comment

JULIA BARRETO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with