^

PSN Showbiz

Ara binara ang nurse na nag-reklamo sa ayudang make-up

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Ara binara ang nurse na nag-reklamo sa ayudang make-up
Ara

Ayaw na sanang patulan pa ni Ara Mina ang isang nurse na nag-message sa kanya tungkol sa ipinamigay ng aktres na make-up sa mga nurse.

Sabi kasi nung nurse, hindi make-up ang kailangan nila sa panahon ngayon kundi pagkain para sa kanilang mga frontliners.

Sinagot ito ni Ara kahit may mga ilang kaibigang nagsasabi sa kanya na huwag nang patulan. Kasi most of the people sinasabi na huwag na lang pansinin. Pero sinagot ko siya, dahil you need to point out your sentiments eh, dahil naaawa ako sa kanila.

I just want to feel them na na-appreciate namin sila. Kaya gift lang iyun,” pakli ng aktres nang nakapanayam namin sa radio program namin sa DZRH nung Miyerkules ng gabi.

It’s just a gift. Kumbaga, parang bonus lang yun kasama nung pagkain. Hindi yata niya alam na nagpapakain kami ng frontliners, kasama ng gift na iyun. Baka akala niya iyun lang ang binigay,” dagdag niyang pahayag.

Actually, ang daming natuwa na nurses na gustong makatanggap ng ganun. Kasi nga everyday naka-PPE sila, naka-surgical mask, nagkaka-rashes na sila, hindi na maganda ang itsura nila.

Hindi ko naman sinabi sa kanila na mag-make-up ka habang naka-wear ka ng PPE Siyempre may mga off duty din naman kayo. So, magagamit nyo yan pag hindi kayo naka-duty. It’s just a gift.

Hindi ko naman po sinabi na mag-lipstick ka habang naka-mask,” sabi pa ni Ara.

Nag-sorry naman ang nurse kay Ara pagkatapos siyang na-bash ng mga netizen dahil pinaintindi sa kanya na dapat ay matuwa na lang siya sa mga binibigay ng mga artistang ito. Sana ma-appreciate nila yung little thought namin sa kanila. Kasi kung tutuusin, puwede naman wala kaming pakialam. Saka ang dami ko kasing kaibigan na mga frontliner,” saad pa ni Ara.

Ngayon ay patuloy pa rin sa pamimigay si Ara ng mga relief goods sa iba’t ibang lugar.

Matagal na raw siyang nagsi-share ng blessings na dumarating sa kanya. Hindi kasi naapektuhan ang Hazelberry coffee shop niya dahil kahit sarado ito, mas dumami raw ang mga order sa kanya na mga cake at iba pang pagkain. Nakakapag-deliver daw siya ng halos 300 orders sa loob ng isang araw na umabot hanggang Cavite, Laguna pati sa Antipolo.

Medyo limitado lang daw ngayon ang delivery niya dahil mas humigpit na ngayon sa mga checkpoint.

Mabenta rin online ang Ara’s Secret niya na mga cosmetics dahil bahagi ito ng donation drive niya na sa makakabili ng make-up kit niya ng 350 pesos, nakakapag-donate ka na sa mga relief goods na ipinamimigay ni Ara.

Maine tuluy-tuloy ang  pamimigay ng isang libo

Nakakatuwa rin ang donation drive ni Maine Mendoza na ini-launch niya sa kanyang official Facebook account ang donation drive nung nagsimula pa lang ang Enhanced Community Quarantine.

Marami na ang natulungan ng donation drive niya na kung saan magi-email ka lang sa [email protected] at ilagay lang doon ang ilang detalye para maipadala sa iyo ang isang libong financial assistance mula sa phenomenal star ng Eat Bulaga.

Isa nga sa nakatanggap ng isang libong piso ay ang younger sister ng kaibigan naming si Ogie Narvaez-Rodriguez.

Hindi naman daw siya fan ni Maine o ng AlDub at sinubukan lang daw niyang mag-email nang nakita niya ito sa FB account ng Eat Bulaga Dabarkad.

Pagkalipas ng isang linggo, nakatanggap raw siya ng message na puwede na niyang makuha sa GCash ang isang libong ayuda mula kay Maine.

Kaya doon lang daw dapat maniwala sa official Facebook account ni Maine at hindi sa kumalat na fake account. Hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang pamimigay ni Maine ng isang libong financial assistance dahil tuluy-tuloy din ang dating ng mga donasyon sa kanya, mula sa mga fans niya sa ibang bansa at mga sponsors.

vuukle comment

ARA MINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with