^

PSN Showbiz

Mga nasa-ECQ, napapagod nang magpahinga!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon
Mga nasa-ECQ, napapagod nang magpahinga!
Willie Revillame

Sa kuwentuhan naming magkakaibigan ay napatunayan namin na totoo nga ang kasabihan na lahat ng sobra ay hindi rin maganda. Kailangang sakto lang.

Dati kasi ay para tayong nagpipista kapag Biyernes na, wala kasing pasok kinabukasan, kaya masarap magpahinga.

Hinihila natin ang panahon para dumating na ang “happy weekend,” panahon kasi ‘yun ng pag-uwi sa probinsiya, makukumpleto ang pagba-bonding ng pamilya.

Pero baligtad na ngayon. Hindi na ang araw ng Biyernes ang aming hinihintay kundi ang pagtatapos ng enhanced commmunity quarantine. Isang buwang mahigit na kasi tayong nasa loob lang ng bahay.

Napakarami na nating nagawa mula nang ideklara ang lockdown. Puwede nang pagkainan sa sobrang linis ang ating sahig, malinis na malinis na ang bawat sulok ng bahay natin, kulang na kulang na ngayon sa gagawin dahil sa napakahaba nating bakasyon.

Sabi ng isang sorority sister namin, “Nakakapagod din palang magpahinga! Nakakainip! Dati, e, tuwang-tuwa ako kapag weekend na, marami akong magagawa sa bahay, pero ngayon, buryong na buryong na ako!

“May kani-kanyang pamilya na ang mga anak ko, wala sa bahay ang mga apo ko, kaya napakalungkot naming mag-asawa. Tama nga, lahat ng sobra, e, hindi rin maganda!” sabi ng aming kaibigan.

Harinawang sa katapusan ng buwang ito ay mas maganda na ang balitang marinig natin, matuldukan na sana ang ECQ, magkaroon na sana uli tayo ng kalayaang makalabas ng ating bahay. Sana naman ay makisama ang mga pasaway, sumunod na sana sila sa mga ipinagbabawal, para bumalik na sa normalidad ang takbo ng ating buhay.

Willie natulala sa pag-iyak ni Sec. Nograles

Naging bisita ni Willie Revillame sa kanyang Tutok To Win si Undersecretary Karlo Nograles. Maganda ang naging takbo ng kanilang interbyuhan, mayaman sa impormasyon, mahusay magsalita ang kuya ng kaibigan naming si Congressman Koko Nograles.

Totoo ang kanyang sinabi na hindi biro ang nagaganap ngayong salot sa buong mundo. Hindi natin nakikita ang ating kalaban, kaya tripleng pag-iingat talaga ang kailangan, para makaligtas tayo sa COVID-19.

Ikinuwento rin ni Undersecretary Karlo kung gaano kahirap para sa ating pangulo ang pagharap sa pandemic na ito. Pero marami pa rin tayong mga kababayang pasaway.

Sa isang bahagi ng programa ay naglabas ng VTR si Willie, ‘yun ang mga makabasag-pusong tagpo sa mga ospital, tampok ang mga dakila nating frontliners na nagbubuwis talaga ng kanilang buhay sa labang ito.

Nang bumalik kina Willie at Undersecretary Karlo ang mga camera ay lumuluha ang pulitiko. Masakit ang kanyang iyak. Matindi ang kanyang pagiging emosyonal.

Napakasakit pa namang makakita ng lalaking umiiyak. Basag na basag ang kanyang boses, nakikita kasi nito ang mga nagaganap sa ating bansa ngayon, wasak na ang bulsa ng mga manggagawang hindi makapagtrabaho at umaasa na lang sa ayuda ng kanilang komunidad.

Patuloy pa rin ang kanyang panawagan na sana’y magkaroon na ng tenga ang mga taong nagpapairal ng katigasan ng ulo. Ang mga sobrang pasaway na parang hinahamon pa si kamatayan sa madalas pa rin nilang pagsuway sa payo ng DOH.

Kitang-kita namin ang parang napatulalang si WIllie habang nananawagan sa publiko ang kanyang bisita. Madalas na rin kasi siyang magpayo na iwasan na ang paglabas ng bahay, sumunod na lang sa disiplina, tutal naman ay para rin sa taumbayan ang lahat ng ipinag-uutos ng DOH at ng ating pamahalaan.

Maraming kababayan natin ang nakatutok na ang takbo ng isip sa darating na katapusan. Sana nga ay wala nang maging ekstensiyon ang lockdown.

Bumalik na sana sa normal na kalakaran ang ating buhay. Bagsak na ang ekonomiya, sumisigaw na ang naghihingalong bulsa ng mga manggagawang hindi nakakapagtrabaho ngayon.

Gusto na nating makita ang sikat ng araw. Kahit matindi ang trapik ay gusto na uli nating bumiyahe papasok sa ating trabaho.

Buryong na buryong na ang bayan pero kailangang tuparin ang anunsiyo ng DOH. Sana nga ay wala nang ekstensiyon ang enhanced community quarantine.

Ang buhay natin ay hindi naman basketball.

vuukle comment

KARLO NOGRALES

WILLIE REVILLAME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with