^

PSN Showbiz

Alex tumulong sa pagpapagamot ng pamangkin ni Shalala

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Alex tumulong sa pagpapagamot ng pamangkin ni Shalala
Alex

Siguro Salve dahil kailangan maging fair dapat ko rin ibalita ito. Nagkaroon kami ng issue noon ni Alex Gonzaga dahil sa incident na nangyari sa kanila nina Ken Chan at Rita Daniela.

Nag-usap kami ni Mommy Pinty at naayos naman ang lahat. Now nabalitaan ko na sobra ang pasasalamat ni Shalala sa financial help na ibinigay ni Alex sa kanyang pamangkin.

Sabi ni Shalala kusa raw binigyan ng tulong ni Alex ang kanyang pamangkin nang malaman   na medyo kinakapos siya sa pambili ng gamot. At kusa rin daw na binigyan ng ayuda dahil nga sa lockdown ngayon.

Magandang gesture ito ni Alex na gusto kong purihin. Bravo Alex, in behalf of Shalala, thank you.

Mga nagdo-droga, natuwa sa pinamimigay na financial assistance

Now na napapanood natin sa news iyon mga nangyayari sa mga sinasabing mahirap na binigyan ng financial assistance, saka mo iisipin kung tama ba iyon pagbibigay ng cash sa kanila.

Mayroong nahuli dahil isinugal iyon pera, binili ng alak, at worst, dalawang pamilya na pinambili ng droga ang binigay na cash assistance sa kanila.

Ewan ko kung paano ang proseso para sa binibigyan ng cash assistance, ewan ko kung paano pinipili iyong mga bibigyan, pero iyon na nga ang hindi mo talaga matanggap, paano na sa gitna ng hirap ng buhay nagagawa pa nila ito?

Iyon ang punto ko sa pagtatanong, bakit mahirap ang isang tao? Puwede umahon sa hirap, puwede kang makakain sa oras, puwede kang hindi humingi, lahat iyang meron solusyon, nasa tao kung ano ang puwede monh gawin.

Bakit binigyan ng financial assistance ang mga ito, bakit kailangan tulungan?

Dapat lahat ng nahuli na ganito ang ginawa hindi na dapat bigyan pa, i-blacklist para matuto.

Ang nakakaloka talaga, iyong dalawa babae na nahuli nagbi-benta ng droga matapos matanggap ang cash na bigay ng gobyerno. Hindi alam ng barangay nila na ganun ang trabaho nitong dalawang babae?

Naku, naman, please, maging fair tayo, mas marami ang may kailangan, huwag sa mga tao na hindi dapat bigyan.

MET nakita ang dedikas yon ng health workers

Bongga pala ang IVI Met Salve. Sabi ni Mayette na paborito ka, maglalagay uli siya placement sa TIPM pag nag-live tayo.

At kaagad pala nagbigay ng donation para sa mga frontliner sina Vannie at Ryan Patillas ng IVI Meth umpisa pa lang ng pandemic.

Nakita kasi nila iyon dedication ng mga doktor, nurses at health workers sa umpisa palang ng laban sa COVID-19, kaya nagpadala agad sila ng tulong para sa mga kakailanganin ng mga ito.

Talagang ipagmamalaki mo ang friends natin dahil very charitable sila, talagang nakahanda ang mga kamay para tumulong.

Dapat talaga mawala na lockdown dahil birthday ni Mayette sa May, sayang ang dinner date niya, hahaha.

vuukle comment

ALEX GONZAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with