^

PSN Showbiz

Pamilya Revilla, walang karapatang magpahinga!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon
Pamilya Revilla, walang karapatang magpahinga!
Bong and Lani

Iniimadyin namin ngayon kung meron pa bang nakalaang panahon para sa kanilang sarili at sa kanilang mahal sa buhay ang pamilya Revilla?

Vice-Governor ng Cavite si Jolo, kinatawan naman ng kanyang distrito si Strike, mayor ng Antipolo si Andeng at sa Bacoor naman si Lani Mercado at senador naman si Bong Revilla.

Ang kasalukuyang panahon ay hindi nangangahulugan ng pahinga para sa kanila, mas kailangan sila ng kanilang mga nasasakupan ngayon, kung nabuburyong na sa lockdown ang ating mga kababayan ay nag-iikot pa rin ang mga Revilla ngayon.

Napakahirap ng mundong pinasok nila, wala silang karapatang magpahinga, ang ibig sabihin ng enhanced community quarantine para sa pamilya ay mas matinding trabaho.

At ganu’ng tumutulong na nga sila at nagseserbisyo sa kanilang mga kababayan ay may nasasabi pa rin ang mga bashers, ang kung ilarawan namin ngayon ay mga taong walang kunsensiya at kilabot sa katawan, dahil hirap na hirap na nga ang ating bayan sa pinaiiral na lockdown ay nakukuha pa rin nilang manira?

Walang pakundangan ang mga bashers at trolls, wala silang pinalalampas na panahon, para bang hindi sila mabubuhay kapag hindi sila nakabira ng kanilang kapwa sa social media.

Mabuti pa nga ang mga madurukot at holdaper at marunong mangilin, hindi muna sila nagpapairal ng kanilang maling gawain sa mga panahong ito, dahil sa sobrang kahirapan ng buhay at sitwasyon.

Wala na ngang sariling panahon ang mga Revilla para sa kanilang mga sarili, unang prayoridad nila ang mga taong umaasa sa kanilang ayuda, pero ganu’n pa ang premyong ibinibigay sa kanila.

Pero sabi nga ni Senador Bong, “Hindi na lang namin pinapansin ang mga taong walang magandang sinasabi tungkol sa amin. Ang mahalaga, marami tayong natutulungan, maraming pamilyang walang katiyakan ang buhay ngayong lockdown ang kahit paano, e, naaabutan nating ng tulong.”

Princess ayaw sa pulitika

At hindi maitatanggi na wala man siyang hinahawakang posisyon sa mundo ng pulitika ay parang lingkod-bayan na rin si Princess Revilla.

Wala sa kanyang bokabularyo ang pagtakbo sa anumang posisyon, pero ang mga ginagawa niya ay mangangabog ng mga pulitikong walang nagagawa, dahil sa personal na tulong na ibinibigay niya sa mga nangangailangan.

May sariling negosyo si Princess. Matagumpay ang kanyang kumpanya. Kung tutuusin ay hindi na niya dapat pang alalahanin ang kanyang mga manggagawa dahil pakyawan naman ang kanilang kalakaran.

Pero mapusong negosyante si Princess, naging abala siya nitong mga huling araw sa pagpapadeliber ng bigas para sa kanyang mga empleyado at manggagawa, hindi niya na obligasyon ang ganu’n pero hindi kakayanin ng kanyang kalooban na pabayaan ang mga ito.

“Sila po ang kasama ko sa negosyo, hindi ko po sila matitiis lalo na ngayong wala silang trabaho dahil sa lockdown. Paano naman sila makasu-survive kapag ganitong bawal silang lumabas ng bahay?

«Lalo na po ang mga laborers, alam ko ang takbo ng buhay nila, no work, no pay. Naiisip ko po ang mga pamilya nila, paano sila mabubuhay sa araw-araw kung wala naman silang pagkukunan?

«Kaya hati-hati po kami ngayon sa anumang puwede kong i-share sa kanila, hindi naman po ako magiging masaya kapag alam kong maraming pamilyang nahihirapan ngayon,» mapusong pahayag ni Princess Revilla.

Pepes ang kanyang palayaw, may kuwento ‘yun kung bakit, sobrang malapit kasi si Princess sa kanyang ama na ang palayaw naman ay Pepe.

Dahil sa pagiging close niya kay dating Senador Ramon Revilla, Sr. ay tingurian siyang Pepe’s girl ng pamilya. Nauwi na ‘yun sa kanyang palayaw na Pepes.

Biniyayaan si Princess ng tatlong anak na puro grounded ang ugali. Anak-mayaman sila pero walang-wala silang yabang sa katawan.

Totoong-totoo na kung ano ang nakikita ng mga anak sa magulang ay ganu’n din ang kanilang ugali.

Sa kabila ng kanyang tagumpay bilang businesswoman ay walang ipinagbago ang dating aktres na si Princess Revilla.

Mapuso, mapagkumbaba, marunong magmahal at magmalasakit sa kanyang kapwa. Revilla talaga siya. Hindi puwedeng ipagkaila.

vuukle comment

BONG REVILLA

LANI MERCADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with