^

PSN Showbiz

Hollywood actor na si Sean Penn malakas ang kampanya kontra COVID!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon
Hollywood actor na si Sean Penn malakas ang kampanya kontra COVID!
Sean
STAR/ File

Tinutukan namin ang panayam sa CNN ng sikat na banyagang aktor na si Sean Penn. Nakakatuwang malaman na miyembro siya ng isang grupong sumusumporta sa mga biktima ng COVID-19 at ng mga frontliners.

Ang ganda ng kanyang payo sa mga taong hindi sumusunod sa mga ipinagbabawal ngayong panahon ng enhanced community quarantine.

“Do not underestimate your enemy, especially an enemy that you do not see,” pahayag ni Sean Penn.

Sumentro ang corona virus sa Amerika na nagiging sanhi ngayon ng pagpapaksiyon-paksiyon ng kanilang mga pulitiko. Ang mga gobernador ay kumokontra sa mga ipinaiiral ni President Donald Trump, ito pa nga ang sinisi ng mas nakararami, dinedma kasi ng kanilang pangulo ang mga payo nu’n pa mang hindi pa pumuputok ang COVID-19.

Ayon sa aming pamangking si Rene de Leon na isang nurse sa isang malaking ospital sa San Francisco ay mukhang umaayos na ang sitwasyon sa kanila, pakonti-konti na lang ang kaso ng corona virus sa Sanfo, kumpara sa East Coast na libo ang namamatay sa araw-araw.

Ipinade-deploy ang mga doktor at nurses sa New York, nandu’n kasi ang matinding labanan, nakadudurog ng puso ang pagkamatay nang sabay-sabay sa isang home care para sa matatanda.

Hindi na nakita ng kanilang mga kapamilya ang mga pumanaw, positibo sa corona virus ang mga senior citizens na pumanaw, tanging panaghoy na lang ang kanilang nagawa nang matanggap nila ang balita.

Napakasuwerte ng ating lahi, hanggang sa dapithapon ng kanilang buhay ay inaalagaan at kinukupkop pa rin natin ang ating mga magulang, napakasakit para sa ating kalooban ang paalagaan sila sa home care o orphanage.

Naalala tuloy namin ang minsang pagdalaw namin kay Ate Lydia de Leon, ang pinsan naming matagal na panahong naging production manager ni Rudy Fernandez sa produksiyon ng namayapang aktor, sa isang home care sa Las Vegas nagtatrabaho si Ate Lydia.

Iniikot niya kami sa mga kuwarto, iba-ibang istor­ya ang nalaman namin, bawat alaga nga naman nina Ate Lydia ay may kani-kanyang ugali.

Sabi sa amin ng isang matandang Amerikana na kung tawagin ng grupo ni Ate Lydia ay TV host dahil napakahilig mag-interbyu ng mga bumibisita sa kanila ay masarap na malungkot ang buhay sa isang home for the aged.

Nasa paanan ng kanyang kama ang mga retrato ng kanyang mga anak na puro matagumpay na, may kani-kanyang pamilya na, pero wala ni isa sa mga ito ang nagkaisip na kupkupin ang kanilang ina.

Sabi nito, “These are my children, they are all professionals, they don’t come here to visit me, they just pay the bill.”

Kuwento ni Ate Lydia ay bugnutin na ang matatanda dahil sa kanilang edad, idagdag pa na ni hindi nga sila dinadalaw ng kanilang mga anak, mas gusto na lang nilang mamatay kesa sa mabuhay sila sa sobrang kalungkutan.

“Iba pa rin ang lahi natin, kahit mahirap tayo, hindi tayo pumapayag na nasa nursing home ang mga magulang natin. Hanggang sa huling sandali, kasama pa rin natin sila,” sabi ng aming pinsan.

Isang umaga ay nagkagulatan na lang ang mga caregivers, nagdudugo ang buong ulo ng isa nilang inaalagaan, magdamag pala nitong binunot nang isa-isa ang kanyang buhok dahil sa sobrang lungkot at depresyon.

Mapapalad ang matatandang Pinoy, may mga buhay silang tungkod sa kanilang pagtanda, ibang klaseng magpahalaga at magmahal ang ating lahi.

Kim hindi na nangangarap ng mga material na bagay

Maligayang kaarawan ngayon kay Kim Chiu. Siguro nga ay ang kaarawan niya sa taong ito ang maituturing niyang pinakamahalaga sa kanyang tanang buhay.

Pangalawang buhay na kasi ito ng aktres, nakaengkuwentro siya ng isang tiyak na kamata­yan nu’ng nakaraang buwan, pero ipinag-adya siya ng Diyos.

Nakaligtas siya, bingyan din siya ng Diyos ng kapasidad na makabangon agad sa masaklap niyang karanasan, ang bangungot ay panaginip na lang ngayon para sa kanya.

Walang selebrasyon si Kim, ang gagastusin para du’n ay ginamit niyang donasyon para sa magigiting nating frontliners, pati na sa mga kababayan nating hirap na hirap ngayon sa kabuhayan dahil sa hindi pagtatrabaho.

Mas maligaya siyang makatulong sa mga kababayan nating ibinubuwis ang iisa nilang buhay sa pagliligtas sa buhay ng kanilang kapwa.

Wala nang materyal na bagay na pinapangarap si Kim Chiu, nasa kanya na ang lahat-lahat, kaya kaligayahan ng kalooban na lang ang hangad niya ngayon.

Happy birthday, Kim!

vuukle comment

KIM CHUI

SEAN PENN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with